^

Pang Movies

Halik ng Aegis lalong sumikat dahil kina Echo, Yam, Yen at Sam

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Halik ng Aegis lalong sumikat dahil kina Echo, Yam, Yen at Sam

Marami na ang nakaabang sa episode ngayong gabi ng Halik nina Yam Concepcion, Yen Santos, Jericho Rosales at Sam Milby.

Matagal nang sikat ang kantang Halik na orihinal ng bandang Aegis pero lalo itong sumikat dahil sa nasabing serye na may kapareho ring title.

Gigil na ang taumbayan sa patindi nang patinding banggaan ng apat, lalo na ang tarayan nina Yam at Yen.

Ang mas nagpapa-intense pa ay ‘yung mismong nagbabatuhan sila ng linyang masasakit sabay tutugtog ang kantang Halik. Hindi mo tuloy alam kung maiiyak o maiinis ka sa eksena.

Nakakaaliw! Parang lahat tuloy ng mga nano­nood ay gustong makisapak kina Jericho at Sam at makisampal at makisabunot kina Yen at Yam.

Bukod pa rito, mas nangi­ngibabaw ang galing ni Echo sa kanyang pag-arte bilang isang asawang niloko at ipinagpalit. Kitang-kita mo ang sakit sa facial expression pa lang niya, ni hindi niya kailangang umiyak para ipakitang nahihirapan siya.

Ang iba namang fans, gustong makasalubong si Yam at bugbugin. Request naman ng iba, ibahin daw sana ang looks ni Yen para mas lalong maging palaban.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

SAM MILBY.

YAM CONCEPCION

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with