^

Pang Movies

Bagong single ni Jett hindi pumasang theme song ng Darna?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Bagong single ni Jett hindi pumasang theme song ng Darna?!
Jett

Akala nang lahat na ang bagong single ni Jett Pangan na Lipad ang magiging themesong ng pelikula ni Liza Soberano na Darna ng ABS-CBN, pero hindi.

 

Ganunpaman, sa tono at lyrics nito ay swak nga at puwede ngang gawing isa sa official sound track ng nasabing pelikula.

Isa si Jett sa mga tinitingalang OPM icons sa bansa, kaya naman hindi na kataka-takang pinagkakaguluhan pa rin ang kanyang musika.

Nauna nang pinusuan ni Vice Ganda ang music video ng nasabing kanta, simple lang ito pero hindi pa rin nawawala ang pagiging rock niya.

Nagpapasalamat ang fans ni Jett dahil muli nila itong narinig. Hindi kasi siya tumitigil na ipamalas ang talent sa paglikha ng mga bagong kanta.

Samantala, curious naman ang ibang fans sa laman ng cabinet ni Jett, dito kasi naka-display ang toy collections niya na lagi niyang pino-post sa kanyang Instagram. Mula Voltes V, mazingerzy, at iba pang pinaglumaan niyang laruan na ipinagmamalaking niyang isa sa best memories ng kanyang kabataan.

vuukle comment

JETT PANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with