^

Pang Movies

Jeric nakiuso sa trip ng millennials!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jeric nakiuso sa trip ng millennials!
Jeric

Masayang binalita ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales na meron na siyang sariling YouTube channel.

 

Dahil uso sa mga millennial ngayon ang magkaroon ng sariling channel kung saan naipapakita nila ang mga gusto nilang gawin, nakisali na rin si Jeric.

Sa naturang channel niya ay maipapakita na niya ang matagal na niyang gustong gawin, iyon ay ang kanyang musika.

Sa mga hindi nakakaalam ay dating miyembro ng isang banda si Jeric at siya ang lead vocalist bago siya sumali at manalo sa reality talent search na Protege: The Battle For The Big Artista Break noong 2012.

“Gusto ko lang ipakita na hindi lang pag-arte ang kaya kong gawin. Kumakanta rin ako at naggigitara. Unang love ko talaga ang music pero mas naunang dumating ang magkaroon ako ng acting career,” sabi ni Jeric na napapanood sa teleserye na Ika-5 Utos.

Muling magsasama sa isang malaking throwback Bahay ng Queen of Soul binebenta na

Two months after ng pagkamatay ng Queen of Soul na si Aretha Franklin, up for sale na ang bahay nito sa Detroit, Michigan.

Ang suburban Detroit home ni Aretha na may 4,148-square-foot (385-square-meter) ay isang brick Colonial-style house ay listed sa presyo na $800,000.

May five bedrooms, seven bathrooms and access to the gated community’s pool and tennis courts ang nasabing bahay. Meron din itong three-car garage, jetted tub with sauna and multiple decks.

Pumanaw si Aretha sa edad na 76 dahil sa pan­creatic cancer at wala itong naiwang will.

Ang mga tinatawag na tangible assets niya tulad ng ilang pang properties nito sa Detroit ay nagkakahalaga na ng higit sa $2 million or higher.

May estimated fortune si Aretha ay umabot sa $80 million at the time of the death.

 

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with