^

Pang Movies

Cesar at Sunshine, napaboran ng annulment!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar at Sunshine, napaboran ng annulment!
Sunshine Cruz

Mukhang masyadong kontrobersiyal ang mga social media post tungkol sa actor na si Cesar Montano lately. Una ngang napag-usapan ang kanyang video greeting sa isang kagawad ng barangay sa Sta. Ana. Napag-usapan dahil sa tila hubad na babaing biglang sumulpot sa background. Pero kung iso-zoom ninyo ang video, hindi naman talaga hubad iyong babae. Mukha lang nakahubad dahil siguro sa kakulangan ng liwanag sa background. Mukhang hindi rin naman pinanood muna ang video bago ini-upload. Kung tiningnan nilang mabuti iyon, naiwasan sana ang controversy.

Ang ikalawa namang post, ang naglabas ay ang kumpare niya na ninong ng kanyang one-year-old girl na ang pangalan ay Kristen. Kuha ang picture noong binyagan ang bata. Kasama sa picture ang nanay ng bata bagama’t hindi binanggit ang pangalan. Sinundan ng mga tsismis na iyon na daw ang ikatlong anak ni Cesar sa nanay ng bata. Later on may naglabas na ng pangalang Kath Angeles na sinasabing siya raw nanay ng bata.

Hindi lumalabas ang mga ganyang kuwento sa publiko. May mga anak na pala siyang iba matapos na magkahiwalay sila ng dating asawang si Sunshine Cruz.

Kaya nga masasabing ayos lang naman pala na nakakuha na sila ng annulment ng kanilang kasal. Ngayon malaya na rin si Cesar na pakasalan ang nanay ng kanyang mga bagong babies.

 Ibig sabihin din siguro niyan, maligaya na sila kapwa sa kanilang mga buhay.

Composer ng mga gospel song maglalaban-laban

Ang music icon na si Rico J. Puno ang isa sa mga nagsimula ng mga religious songs na naging hits naman at nagustuhan ng mga tao. In fact iyong kanyang kantang Lupa ay kinakanta maski na sa mga sing along bars. Noong araw,  ang mga religious music ay napapatugtog lamang sa mga pagtitipong relihiyoso, o kaya ay ginagamit lamang para pag-aralan ng mga kakanta noon, pero hindi naituring na commercially viable. Ngayon iba na nga.

Isa sa mga nagtataguyod ng gospel music upang mas maging katanggap-tanggap  sa general audience ay iyong isang TV show sa UNTV 37, ang ASOP, o A Song of Praise. Ginawa nila iyong isang contest kung saan naglalaban-laban ang mga kompositor ng mga gospel song, at ang mga kilalang interpreters noon. Ang singer na si Richard Reynoso at Toni Rose Gayda ang hosts ng show.

Hindi lamang nila nabuksan ang audience for gospel music, nakapagbigay din sila ng isang TV show na nagustuhan ng publiko at nagkaroon ng malakas na following. Taun-taon nagkakaroon sila ng finals kung saan naglalaban naman ang lahat ng mga winning compositions sa bawat buwan.

Sa taong ito ay ikapitong yearly finals na ang kanilang gagawin sa New Frontier Theater sa November 11. Gaya nang dati, may isang surprise star judge silang kinukuha na hindi ipinaalam sa publiko kung ‘di sa araw na lamang mismong iyon.

Ang panonood sa kanilang finals ay libre. Mapapanood din iyon sa UNTV at maging sa mga video screenings sa kanilang mga social media pages.

Ang maganda pa, ang lahat ng mga awiting kasali ay maaaring i-download ng libre din, bukod sa mga commemorative CD na ipinamimigay lang din, para lamang mas mapansin ang gospel music.

Wala rin silang pinipili. Kahit na anong sekta ng relihiyon kaanib, basta Kristiyano ay maaaring sumali sa ASOP. Iyan ang programang may biyaya ng Diyos.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with