^

Pang Movies

Dennis tumalon sa tulay!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dennis tumalon sa tulay!
Dennis Trillo

Nag-post si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang Instagram account ng isang buwis-buhay na eksena sa upcoming primetime series nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na Cain at Abel na tumalon siya sa mataas na tulay sa Santa Cruz, Laguna. Ang eksena ay nakorner siya ng mga taong humahabol sa kanya at ang magagawa lamang niya ay tumalon sa tulay.

Matapos umahon si Dennis, ang concern ng mga netizens kung malinis daw ba ang tubig na binagsakan niya, baka raw marumi ito. Sagot ni Dennis: “siniguro ko namang wala nang mga  pag talon ko” at “malinis naman siya, promise.”

Based sa teaser ng Cain at Abel na ipinalalabas na, mas marami pang action scenes na ginawa at gagawin pa sina Dennis at Dingdong, sa direksyon ni Mark Reyes.

UH may public service

Ninth year na palang nagsiserbisyo ang mga host  at reporter ng Unang Hirit ng GMA-7 tuwing sasapit ang Undas sa dalawang malalaking sementeryo sa Metro Manila, ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery, simula pa ng October 31 up to November 2.

May free services sila ng water refilling at cellphone charging stations, first aid, sa tulong ng Philippine Red Cross at namimigay din sila ng libreng kandila. Ang kanilang Unang Hirit’s Serbisyong Totoo Booth ay may mga staff na umiikot sa buong Manila North Cemetery para mamigay ng libreng tubig at garbage bags. May libreng blood pressure checks at free porter mula sa Armed Forces of the Philippines para naman sa mga nasa Manila South Cemetery.

Sophie ginulat ang viewers sa ginawang pakikipaghalikan

Maraming nanibago kay Sophie Albert na pumayag siyang magpa-sexy sa Pamilya Roces. Nakilala kasi si Sophie na soft-spoken, mabait na image ang ipinu-portray, pero dito sa primetime series, hinangaan ang tapang niya sa pakikipag-kissing scene niya kay Rocco Nacino. Hindi ba siya nagkaroon ng second thoughts na gawin ang mga eksena? Inamin ni Sophie na nag-worry rin siya kung kaya niyang gawin ang role, pero very light at funny raw ang show at sa TV naman kaya pumayag siya.

Napapanood ang Pamilya Roces after ng Onanay.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with