^

Pang Movies

Ricci Rivero gustong maging barkada ng KathNiel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ricci Rivero gustong maging barkada ng KathNiel
Ricci Rivero

Totoo nga palang matindi ang popularidad ngayon ng tinaguriang heartthrob ng basketball court na si Ricci Rivero na star player ng UP Fighting Maroons ng UAAP ((University Athletic Association of the Philippines).

Saksi kami kung paano siya pagkaguluhan ng mga tao sa Halloween Costume Contest ng pelikulang Otmul na ginanap last Sunday sa Sta. Lucia East Mall. Base nga sa nakita namin, masasabi ngang Daniel Padilla level na ang kanyang sa mundo ng baskeball.

Kaya naman hindi kataka-takang may mga offer na sa kanya para subukan ang pag-aartista at isa na nga rito ang horror film na OTMUL na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2018. Sa mall show ay nakatsikahan namin sandali si Ricci and asked kung bakit siya nag-decide na pasukin ang pag-arte. Ayon sa 21-year-old amateur player, this is something new to him.

“Gusto ko talagang mag-explore ng iba’t ibang bagay,” he said.

Ano ang masasabi niya na first movie niya pa lang, pang-MMFF na agad?

“Syempre, sobrang thankful kasi hindi naman talaga namin in-expect. Actually, siyempre, nag-pray rin, pero sabi ko, kung ano ‘yung makakabuti sa amin at sa nakakarami, ‘yun na lang ang mangyari,” sey ni Ricci.

And guess what, big fan pala siya ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) loveteam kaya naman gusto niyang makatrabaho ito kung mabibigyan siya ng pagkakataon. Kahit nga raw extra lang o kahit barkada lang ang role ay tatanggapin niya basta kasama niya ang dalawa niyang idols.

Kiray hindi pa mapaamin sa paglipat sa GMA

Nakausap din namin si Kiray sa nasabing mall show na isa rin sa bida ng Otmul na natanong naman kung totoo ang tsikang lilipat na siya sa GMA 7.

Pero ayaw magbigay ng detalye ng dating child star na for the longest time ay Kapamilya talent.

“Wala pa, wala pa,” aniya.

Pero under negotiations na?

“Wow, Regine (Velas­quez)! Lumalaban sa 20 years,” ang natatawang sabi ni Ki­ray.

“Wala pang final statement, wala pa ngang dumarating sa akin,” ang sabi niya ulit.

Pero ang balita naman ay almost confirmed na ang paglipat ni Kiray sa GMA 7 at ang teleseryeng pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado ang umano’y first project ng dalaga sa Kapuso network.

Sabagay, parang bihira nga naming mapanood si Kiray sa mga teleserye ng ABS-CBN at marahil isa ito sa mga naging dahilan kung bakit siya lilipat if ever.

Samantala, bukod sa Otlum ay may isa pang pelikula si Kiray na malapit nang ipalabas, ang Class of 2018 na showing na sa Nov.7 mula sa T-Rex Entertainment.

vuukle comment

RICCI RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with