^

Pang Movies

Bea ‘di malimutan ang ‘pangto-torture’ ni Bing

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bea �di malimutan ang �pangto-torture� ni Bing

Hindi napigilang maging emotional si Bea Binene noong mag-last taping day sila para sa teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

Marami raw unforgettable scenes si Bea sa naturang teleserye, kasama na roon ang matinding torture scene na ginawa sa kanya ni Bing Loyzaga.

“Sobra pong intense ang eksenang iyon at pareho kaming hirap na hirap ni Ms. Bing noong sinu-shoot namin iyon.

“Pero nagtutulungan kaming dalawa para lumabas na makatotohanan ang eksena. Parati po akong tinatanong ni Ms. Bing kung okey ba ako o baka nasasaktan na niya ako?,” ngiti pa ni Bea.

Rihanna galit sa ginawa ng Super Bowl

Tinanggihan ng singer na si Rihanna ang mag-perform sa Super Bowl next year dahil sinusuportahan niya ang football player na si Colin Kaepernick.

Si Kaepernick ay ang NFL player na lumuhod during the national anthem in 2016 dahil sa kanyang protest sa naganap na police killings sa African-Americans, social inequality at racism.

Dahil sa kanyang ginawang protest, hindi pinaglaro sa NFL si Kaepernick noong 2017 na siyang nagtulak sa player na mag-file ng reklamong grievance sa NFL.

Marissa mataas ang tingin kay Rico kahit bastos

After two failed relationships ay nagpasya ang singer-comedienne na si Marissa Sanchez na maging i-enjoy na lang ang kanyang pagiging single.

Pero hindi naman daw totally nag-iisa si Marissa dahil nandiyan naman daw ang kanyang daughter na si Iana na siyang nagiging inspirasyon niya sa kanyang pagiging single ngayon.

Mapapanood si Marissa kasama sina Rico J. Puno at Giselle Sanchez sa concert na Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko on November 23 sa Theater @ Solaire.

Pinagmamalaki ni Marissa na mentor niya ang OPM legend at Total Entertainer na si Rico J. Puno. Nagsisimula pa lang daw siya sa kanyang singing career ay tinulugan na siya ni Rico.

“He is such a generous artist. He likes to share the stage with new talents. At may libreng consultancy ka pa with him.

“May mga nagtatanong nga sa akin kung hindi ba ako naaasiwa na kasama si Rico dahil medyo bastos raw ito mag-show?

“Sagot ko naman na si Sir Rico ay image lang niya ang bastos siya sa stage, pero kapag magkakasama na kami he is one of the nicest people who will ever meet.

“Never siyang nag-take advantage sa mga female friends niya. I always look up to him na parang kuya or isang father figure,” pagtapos pa ni Marissa Sanchez.

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with