^

Pang Movies

Ruru ayaw tantanan sa panunulot daw kay Bianca

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Ruru ayaw tantanan sa panunulot daw kay Bianca
Ruru Madrid

Kahit anong paliwanag ang ibigay ni Ruru Madrid tungkol sa sinasabi niyang aksidenteng pagkikita nila ni Bianca Umali sa Japan ay ayaw pa ring maniwala ng mga sumusubaybay ng showbiz happenings, at lalo na ng followers ng BiGuel. Feeling nila ay inaahas ni Ruru si Bianca sa ka-loveteam nitong si Miguel.

Hindi nila tanggap ang parang kawalan ng respeto ni Ruru kay Miguel, kahit pa naghiwalay na ang dalawa sa kanilang personal na buhay dahil sa kanilang karera ay isa pa rin silang tandem.

Ricci suwerte sa MMFF

Swerte ni Joven Tan dahil dinumog ang Metro Manila Film Festival 2018 movie niyang Otlum sa ginawa nitong mall tour. Ikinagulat ng mara­ming kafatid sa hanapbuhay na sumama sa mall tour ang malabis na kasikatan ng artista ng movie na si Ricci Rivero.

Matagal na, bago pa siya nag-artista, ay tinitilian na ng napakarami niyang fans ang baguhang artista sa hard court. Isa siyang basketbolista ng La Salle na ngayon ay nasa UP Maroons na.

Unti-unti na nilang iniaangat ng isa pa ring bagong recruit ng UP na si Kobe Paras ang kanilang bagong koponan sa UAAP.

Kim todo ang professionalism

Isa na siguro sa pinaka-versatile actress natin ngayon si Kim Chiu. Bukod sa kanyang pag-aartista, isa pa rin siyang mahusay na TV host, recording artist, dancer, at athlete. Yes, dumadayo siya ng probinsya at ma­ging sa labas ng bansa para sumali sa mga takbuhan o marathons.

Hahangaan ng marami ang pagpayag niyang gumawa ng maiinit na love scenes kasama sina Dennis Trillo at JC de Vera sa pelikula niyang One Great Love.

Sa Pasko pa ito mapapanood pero, ngayon pa lamang ay excited na ang lahat na makita kung hanggang saan pinaabot ng Chinita Princess ang kanyang professionalism.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with