^

Pang Movies

Alyssa lilipad na pa-Bolivia, inabangan kung magkaka-korona!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alyssa lilipad na pa-Bolivia, inabangan kung magkaka-korona!
Alyssa Muhlach

Maiuwi kaya ng kinatawan ng Pilipinas, ang singer na si Alyssa Muhlach ang crown sa gaganaping 2018 Reina Hispanicoamericana na nakatakdang ganapin sa Santa Cruz, Bolivia ngayong November 3, 2018? Ang bagong tatanghaling reyna ay siyang kokoronahan ng reigning queen na si Teresita Ssen (Winwyn) Marquez, anak ng estranged couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno.  

Si Alyssa na nagmula sa Muhlach clan ay anak ng dati ring mag-asawang Almira Muhlach at dating cager na si Paul “Bong”Alvarez.  Pamangkin bale si Alyssa ng magkakapatid na Arlene, Aga, Albert Barok, AJ at Andrew at pamangkin sa pinsan ni Niño Muhlach at apo naman ng yumaong si Cheng Muhlach at mga kapatid nitong sina Amalia Fuentes at Alex Muhlach. Second cousin naman si Alyssa ng child star na si Alonzo Muhlach.

Alyssa will be competing with more than twenty other candidates na nagmumula sa iba’t ibang Latin American countries (both south and north America), USA at mga bagong kasali tulad Canada, Australia at Pilipinas.

Loisa excited sa pinatatayong bahay

Masuwerte ang mga batang artista na maayos na nagagabayan ng kanilang mga magulang lalo na pagdating sa kanilang earnings at isa na marahil dito ang Kapamilya teenstar na si Loisa Andalio na may sarili nang negosyo at bahay na ipinatatayo sa murang edad na 19.

Sumubok man noon si Loisa and her family ng coffee shop business, hindi ito gaanong nag-click kaya nagbukas siya ng panibagong business, isang salon, ang LoiSalon na matatagpuan in Parañaque which was opened to the public nung nakaraang May lamang at may limang buwan na ngayong operational.

Excited din ang singer-actress-dancer na malapit na niyang ma-realize ang bahay na kanyang ipinatayo for her and her family na isang 3-storey house.

Piolo hindi maitaob ni Inigo

Walang alinlangan na si Piolo Pascual ang maituturing na Ultimate Heartthrob dahil kahit saan man ito magpunta mapa-Pilipinas man o mapa-ibang bansa man ay parati itong tinitilian at pinagkakaguluhan tulad na lamang nang ito’y mapanood sa ASAP Live in Sydney sa Australia last October 20 which was aired in the Philippines nung nakaraang linggo lamang, October 28.

At 41 (turning 42 on January 12, 2019) with a 21-year-old son na si Inigo Pascual, hindi maitatatwa ang kakaibang charisma ng actor-celebrity endorser and now producer na si Piolo kahit ultimo sa mga bata.

Kahit pagtabihin ang mag-amang Piolo at Inigo sa isang entablado, iba pa rin ang dating ni Piolo sa kanyang anak.

Piolo remains the prime talent ng Kapamilya Network up to his day.

vuukle comment

ALYSSA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with