^

Pang Movies

Ken na-master na ang pagkakaroon ng intellectual disability

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ken na-master na ang pagkakaroon ng intellectual disability
Ken Chan


Kuhang-kuha na ni Ken Chan ang character niyang may mild intellectual disability sa kanyang afternoon prime drama series na My Special Tatay, si Boyet. Paano niya natutunan ang ganoong pag-arte na ang makikita mo talaga sa kanya ay si Boyet at hindi ang actor na si Ken?

“Pinag-aralan ko po kung paano kumilos ang isang may ganitong karamdaman,” sagot ni Ken. “Hanggang ngayon po ay pumupunta pa rin ako sa school for the special children para mag-observe.  Minahal ko na po ang proyektong ito at may kaba rin ako sa simula dahil kailangan naming ipaintindi sa viewers ang pagkatao ng isang tao na may intellectual disability.”

Mukhang hindi naman nabigo ang production team dahil tinanggap ng mga televiewersang soap at lagi silang nakakakuha ng top rating over sa katapat nilang programa.  Hindi ba nahihirapan si Ken na kumawala sa character dahil all throughout ay iyon ang character niya?

“Minsan po naiuuwi ko sa bahay ang cha­racter ni Boyet lalo na kung sunud-sunod ang ginagawa kong eksena, pero may number one fan po akong dinadatnan sa bahay at  lagi niya akong binabati sa mahusay ko raw na pagganap, ang Daddy ko.    Hindi po nakakalimot si Daddy na panoorin ako,  Ako raw po ang inspiration niya para patuloy na lumaban sa sakit niya na stage two cancer.  By the grace of God, nakatapos na siya ng chemotherapy.”

Wala na palang chance na mabago ang character ni Boyet dahil hanggang doon na lamang siya. Pero sa kabila ng kanyang disability, marunong siyang magmahal at ipinagtatanggol niya ang kanyang pamilya, kahit siya ang masaktan, lalo na ang anak niyang si Baby Angelo, na mahal na mahal niya.

“Pero ang ikinatutuwa ko po hindi na ‘Ken’ ang tawag sa akin ng mga tao kapag nakikita ako sa labas. ‘Boyet’ na ang tawag nila sa akin at pinapanood daw nila ako. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa kanila at sa mga televiewers na sumusubaybay sa amin.”

Rita gusto nang bumait

May isang character sa My Special Tatay na kinaiinisan kapag pinapanood, si Aubrey, played by singer-actress Rita Daniela. Siya ang nanay ni Baby Angelo na ang sama-sama ng character dahil gusto niya lahat ng hingin niya ibibigay ni Boyet, to the point na halos namatay na ito sa pagtatrabaho para lamang kumita at maibigay ang hinihingi sa kanya ni Aubrey.  Si Rita ba, nakakatikim ng bashing sa social media sa masama niyang ugali, o may nagagalit na sa kanya kapag nakita siya sa labas?

“Wala po naman. Kapag may mga fans na nakakakilala sa akin, sabi nila naiintin-dihan daw nila ang character ko, at nagpapa-picture pa sila sa akin,” sagot ni Rita. “Pero may mga nagtatanong din sa akin kung babait daw ako dahil kawawa naman si Boyet, na mahal ako at may Baby Angelo pa kami pero hindi ko tinatrato nang maganda. Wish ko rin po na bumait naman ang character ko.”

Ang My Special Tatay ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng Ika-5 Utos.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with