^

Pang Movies

Pero tahimik sa pananakit ni Elmo Pia pinalalabas na may personality disorder si Janella?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos na magsalita ni Janella Salvador tungkol sa pananakit sa kanya ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona, nag-tweet ang ina at manager ni Elmo na si Pia Magalona ng isang cryptic message.

 

Patungkol ito sa sakit na Borderline Personality Disorder at kahit na hindi niya binanggit ang pangalan ni Janella, obvious na ang aktres ang pinatatamaan nito sa kanyang tweet.

“In borderline personality disorder, devaluation often alternates with idealization. They may shift from great admiration for a loved one — idealization of that person — to an intense anger or dislike towards that person — devaluation of that person,” tweet pa ni Pia.

Ayon sa website ng National Alliance on Mental Illness (NAMI), ang disorder na Borderline Personality Disorder or BPD ay isang kundisyon kung saan nagkakaroon ng difficulties pagdating sa emotion. Ang ibig sabihin nito, ang mga taong nakaka-experience ng BPD ay nakakaramdam ng matinding emotion for extended periods of time, at nahihirapan silang ibalik ang dati nilang mood ng agad-agad. Dagdag pa rito, ang taong may BPD ay nakakagawa ng kung anu-anong kuwento kapag nakakaramdam ito ng galit, selos at pagkadismaya.

Bukod sa tweet na ito ni Pia, wala siyang pinalabas na anumang statement at kahit na ang involve sa issue na si Elmo ay tahimik lang noong lumabas ang tell-all ni Janella tungkol sa physical abuse na natanggap niya sa aktor.

Jonas Gaffud walang ideya sa ginawa ni Pia kina Bea at Gerald

Hangga’t maaari ay hindi nakikialam ang tinaguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud sa mga personal na buhay ng kanyang mga beauty queen discoveries.

Gusto raw ni Jonas na may boundaries siya pagdating sa professional at personal na buhay ng kanyang mga beauty queens.

“Kapag napapansin ko na affected na ang work nila because of their personal problems tulad sa boyfriend, doon na ako papasok kasi gusto kong maging maayos ang work nila kasi ako ang mapapahiya, ‘di ba?

“Ngayon kung mukhang okey naman at mas nagiging productive sila because of their relationship, maganda iyon. Gusto ko rin naman na inspired sila both professionally and perso­nally,” sey pa ni Jonas sa launching ng kanyang bagong project na GLAM: Global Asian Model Philippines.

Ayon kay Jonas, wala raw siyang alam sa issue ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach with Gerald Anderson and Bea Alonzo. Hindi rin daw siya ang nag-utos kay Pia na huwag i-entertain ang mga tanong tungkol sa dalawa.

“Para naman sa akin, tama lang naman iyon kasi in a relationship si Pia kay Marlon (Stockinger) at hindi proper na pag-usapan si Gerald kasi nakakahiya naman din kay Bea. Tsaka Ginebra event iyon, it’s not about a movie with Gerald or Bea. Respeto na rin iyon ni Pia para sa dalawa,” diin pa ni Jonas.

Anyway ang mga mapipiling manalo sa GLAM ay tatanggap ng international modeling contracts with Empire.ph and Mercator Model management.

Ang tatanghalin na Best Model of the World Male and Female winners ay lalaban sa Istanbul, Turkey this December.  Ang mapipiling Manhunt Male winner ay ipapadala sa Gold Cost, Australia this November.

At ang mapipiling female and male Glam PH International ay magkakaroon ng 3-month contract each in Manila, Bangkok, Singapore and an appearance in Los Angeles.

Mapapanood naman via a digital series ang GLAM via Facebook, Youtube and Instagram under Empire TV Philippines (www.empire.ph).

Sa November 8 na ang finals at gaganapin ito sa Xylo BGC. Tickets for the finale are available at Empire Studios.

Sofia Vergara Highest-Paid TV Actress pa rin

Ang Modern Family star na si Sofia Vergara pa rin ang Highest-Paid TV Actress for 2018 ayon sa Forbes.

Kumita ng higit na $42.5 million si Vergara at ito ang third year na nag-top siya sa listahan.

Malaking part ng kinita ng Colombian actress ay mula sa kanyang paglabas sa sitcom na Modern Family at sa kanyang endorsements ng cosmetic products, furniture line at TV commercial for Hear and Shoulders.

Pumapangalawa kay Sofia ay ang The Big Bang Theory actress Kaley Cuoco with $24.5 million.

Third place si Ellen Pompeo of Grey’s Anatomy with $23.5 million.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with