^

Pang Movies

Marian nakuha sa longganisa at bagnet

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian nakuha sa longganisa at bagnet
Marian Rivera

Longganisa at bagnet pala ang naging paraan para makalapit si Beautederm President and CEO Rhei Anicoche-Tan kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Fan na pala noon ni Marian si Rei, matagal na rin niyang gustong maging endorser ang magandang actress pero hindi niya alam kung paano.

Nakilala ni Rei si Marian through her friend Shyr Valdez at nalaman niyang mahilig si Dingdong Dantes sa longganisa. May tindahan siya ng longganisa at bagnet, dahil isa siyang Ilocana, kaya pinadalhan niya si Marian at natuwa siya nang ipinost pa ito sa Instagram account. At kasunod na noon ang pagkikilala at pag-offer kay Marian na maging first celebrity endorser ng Reverie by Beautederm Home.

Si Marian, gusto raw niya ay laging mabango ang buong bahay nila, lalo ngayon na preggy siya sa second baby nila ni Dingdong na next month ay malalaman na nila kung baby girl ulit o baby boy na gusto ng anak nilang si Zia.

Pagiging calendar girl ni Pia aprub agad ng international agency

Bakit daw si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang napili bilang Ginebra San Miguel Calendar Girl 2019?  “She is the epitome ng aming produkto na may bagong slogan, ang ‘Dahil Pilipino ako, matapang ako, Ginebra ako!’” sagot ni Marketing Manager Ron Molina.   

Kilala na sa buong mundo ang Ginebra San Miguel at nakatulong iyon para makuha si Pia, dahil approved agad ito ng international modelling agency na kinabibilangan niya.

For the record, si Pia ang first Filipino Miss Universe na napiling Ginebra San Miguel Calendar Girl. Biro ni Pia, noon pang 2015, paborito na siya ng GSM dahil nang manalo siyang Binibining Pilipinas 2015, tumanggap na siya ng Special Award mula sa kanila. 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with