^

Pang Movies

Sarah sasabak sa Barangay!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah sasabak sa Barangay!
Sarah Lahbati a

Aliw na aliw ako kahapon sa backstage ng Eat Bulaga during their pre-judging ng Miss Millennials 2019.

Si Ms. Jeny Ferre na creative head ng show ang katsikahan ko. Eh, nagde-deadline ako, kaya panay ang biro niya. “Naku, baka sinisiraan mo ako sa column mo, ha?!” sey niya.

‘Kaloka talaga si Jeny, huh!

“Sulat mo, 39 ang matatalo sa Miss Millennials 2019 dahil isa lang naman talaga ang mananalo. Hahaha!” sey pa niya.

Pero ang hirap din talaga na 40 ang candidates ng Miss Millennials 2019 dahil pre-judging pa nga lang na ini-host nina Sarah Lahbati at Ruby Rodriguez ay inabot na ng gabi.

Anyway, sa Saturday na ang grand finals ng Miss Millennials 2019 at gaganapin ‘yon sa New Frontier Theater sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Speaking of Sarah nga pala, kahapon ay sinabihan siya na sa Juan For All, All For Juan siya maa-assign today at kasama nina Maine Mendoza, Jose Manalo at Paolo Ballesteros dahil si Wally Bayola ay sa studio sa Broadway Centrum assigned.

Sabi ni Sarah, tiyak mag-e-enjoy raw siya na ma-assign sa barangay dahil mae-experience niya na mag-host sa segment na ‘yon ng Eat Bulaga habang guest co-host siya ng show.

Sa Barangay Poblacion Itaas, Angono, Rizal nga pala ang nasabing segment today, kaya maagang aalis si Sarah sa Alabang dahil malayu-layo rin ang lugar na ‘yon.

“Si Chard kasi, pati si Ate Ruffa (Gutierrez), nag-barangay na rin before, kaya parang ang saya rin na ma-experience ‘yon!” sey ni Sarah.

Jason maganda nang maging babae

In fairness, maganda palang magpa-girl si Jason Abalos.

Pa-girl muna ang role ni Jason sa afternoon series nila ni Kris Bernal na Asawa Ko, Karibal Ko bago siya magpapaopera at magiging si Thea Tolentino.

In real life naman, lalaking-lalaki si Jason at naintriga pa nga noon na may pagkababaero.

Raffy Tulfo palaging may bodyguards

Kapag nakikita ko si Raffy Tulfo ay palagi siyang maraming bodyguards, pero hindi naman mayabang ang dating niya.

Palagi nga siyang naka-smile. Feeling ko nga, sa Tulfo brothers, siya ‘yung pinakamabait!

Mukha kaya maraming bodyguards si Raffy ay dahil sa balitang marami siyang mga “pagbabantang” natatanggap.

Marami rin kasing nakakabangga si Raffy dahil marami siyang mga kababayan nating naaapi na tinutulungan sa kanyang show sa TV5 at radio program sa 92.3FM na ipinalalabas din sa AksyonTV.

Pamilya Roces hataw

Palaging happy ang mga taga-Pamilya Roces ngayon.

Habang nagtatagal ang drama-comedy series na ito ng GMA 7 ay patuloy na tumataas ang ratings nila.

Kung noong una ay daig sila ng katapat nila sa ABS-CBN, ngayon naman, palagi silang nagbubunyi dahil palagi na silang panalo.At least, bongga sa ratings ang first primetime series ni Jasmine Curtis Smith sa Kapuso network.

Kung matatandaan, marami ang nag-akala na sa Dos pipirma ng kontrata ang kapatid ni Anne Curtis after na mag-expire ang exclusive contract niya noon sa TV5.

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with