^

Pang Movies

Pia nginitian lang ang pang-uurirat sa ‘anong nangyari’ na tanong ni Bea sa kanila ni Gerald!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pia nginitian lang ang pang-uurirat sa �anong nangyari� na tanong ni Bea sa kanila ni Gerald!
Pia Wurtzbach

Ngiti lang ang reaction ni Pia Wurtzbach nang may sumubok na tanungin kung handa ba uli siyang makatrabaho si Gerald Anderson na leading man niya sa pelikulang My Perfect You na nabahiran ng kontrobersiya.

Nabalita nung nagkaroon ng misunderstanding sina Gerald and Bea Alonzo dahil nga raw sa dating Miss Universe na bagong Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. Nag-unfollow pa nun si Bea sa nakabalikang actor at nabalita ngang nag-cool off pero nagkaayos diumano nang sorpresahin ni Gerald ang actress ng isang helicopter date sa Mt. Pinatubo.

At recently lang sa guesting nina Bea and Aga Muhlach sa Gandang Gabi Vice, umapir ang picture ni Pia. Ang format ay magtatanong ang guest ni Vice Ganda sa ipa-flash na photo. Unang nagtanong si Aga kay Pia ng ‘Anong nangyari.’ Mabilis na-gets ng lahat ang tungkol doon lalo na nang mag-agree si Bea na wala na siyang itatanong dahil naitanong na ni Aga kay Pia.

Ayun nabuhay ang isyu kina Bea and Gerald.

Kaya naman sa launching ni Pia as newest calendar girl ng inuming nakakalasing kung saan diumano ay in dollars ang charge na talent fee, may tagaharang ng mga controversial question. Walang nakakalusot na intriga.

Kahit pa may konek sa tanong si Gerald.

Anyway, ayon kay Pia nakahanda na ang mga gagawin niyang project sa ABS-CBN. Meron siyang reality show at may gagawin din siyang pelikula with Star Cinema.

Kung si Gerald ang kasama niya wala siyang sinabi.

Carlo sinagot ang mahal kita ni Angelica, pero nag-deny na sila na

Itinanggi ni Carlo Aquino sa isang interview na sila na uli ni Angelica Panganiban matapos silang magsabihan ng ‘mahal kita.’

Si Angelica ang unang nagpahayag ng pagmamahal sa ex BF na leading man sa box office movie na Exes Baggage. Ayon kay Carlo mahal din daw niya si Angelica at source of inspiration niya ito pero ‘hindi kami.’

“Yun lang din naman ang wini-wish namin sa isa’t isa na ‘wag matapos ‘yun saya,” sabi ng actor sa interview ng Push.com.

Naunang sinabi ni Angelica ‘hindi na matatapos. Lahat ng kaligayahan ngayon. Para sa’yo. Mahal kita,” caption ni Angelica sa picture nila ni Carlo sa kanyang IG account.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with