^

Pang Movies

Giselle abala sa advocacy sa ‘teen suicide’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Giselle abala sa advocacy sa �teen suicide�
Giselle Sanchez

May ila-launch na isang advocacy campaign ang comedienne na si Giselle Sanchez na may kinalaman sa problema sa mga kabataan ngayon na teen suicide.

Nagkaroon ng awareness si Giselle sa lumalalang problemang ito dahil sa nangyari sa 16-year old daughter ng aktor na si Noni Buencamino na si Julia Buencamino na nag-suicide noong 2015.

“Noni kasi is the cousin of my husband Emil Buencamino. Noong nagkausap kami regarding sa nangyari kay Julia, it really touched my heart at naisip ko na hindi lang si Julia ang ganito, maraming kabataan ngayon na naiisip ang magpakamatay because of so many problems na pumapasok sa isipan nila.

“Kaya with the help of some of our friends, magla-launch kami ng isang organization to help these troubled teens. To save them from hurting themselves and ending their lives.

“Ginawa namin ang group na ito for these teens to seek counseling and make them realize that life can still be beautiful. Masarap pa rin ang mabuhay and make your dreams come true,” diin ni Giselle.

Kabilang sa mga nakikitang problema ni Giselle sa mga kabataan ngayon ay ang pagkawala ng guidance ng kanilang mga magulang. Isama na ang masyadong tutok ngayon ang mga kabataan sa social media na nagiging source ng online bullying at depression.

Nagpapasalamat si Giselle na kahit busy siya at ang kanyang mister sa kanilang trabaho, natutukan nila ng husto ang kanilang dalawang anak na nasa edad na 15 at 8 years old.

Makakasama ni Giselle sina Rico J. Puno at Marissa Sanchez sa comedy concert na Sana Tatlo Ang Puso Ko sa Theater @ Solaire on November 23.

Jason at Matthias grabe ang ginawang lampungan

Unang pagkakataon na gaganap si Jason Abalos bilang isang bading sa teleserye ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko kaya naman pinaghandaan daw niya ng husto.

Pinag-aralan daw ng Kapuso actor ang difference sa pagiging closeted gay hanggang sa pagiging isang transvestite.

Inamin ni Jason na nahirapan siya sa mga eksenang kailangang magdamit babae siya dahil hirap na hirap siyang maglakad na suot ang high heels.

“More than the character na kailangan kong i-portray, nahirapan akong maglakad na naka-high heels! Ang hirap pala. Paano natitiis ng mga babae ang gano’ng mga sapatos, ‘di ba?” malakas na tawa ni Jason.

Pero kahit na short lang daw ang appearance ni Jason sa naturang teleserye, mabibigat ang mga eksena na kasama niya si Kris Bernal bilang misis niya na hindi alam ang tunay na pagkatao niya.

“Nahirapan ako kasi siyempre ‘yung puso ng lalaki kabisado ko na ‘yan eh. Pero ‘yung puso ng babae ang hirap gawin, hindi mo alam kung paano mo gagawin ‘yung emosyon nila.

“Tayo naman bilang artista nandoon tayo sa masaya tayo na natsa-challenge tayo.

“Maingat ‘yung show kasi hindi kami puwedeng maka-offend ng kahit sino, kahit sa pagsuot ng mga damit at paglalakad, pati pagkilos.

“Binusisi po nila yan. Pati ‘yung mga linya at ‘yung pakikipag-interact,” diin ni Jason.

Kaabang-abang daw ang lampungan nila ng Kapuso hunk na si Matthias Rhoads.

“Naging professional kami ni Matthias sa mga maseselan na eksena namin.

“Yan ang abangan ng mga beki! Kikiligin sila, yan ang sigurado!” malakas na tawa pa ni Jason Abalos.

Victoria’s Secret supermodel na si Karlie Kloss ikinasal na sa kapatid ng adviser ni Trump

Kinasal na ang Victoria’s Secret supermodel na si Karlie Kloss sa businessman and investor na si Josh Kushner.

Si Josh ay kapatid ng son-in-law at senior advisor ni US President Donald Trump na si Jared Kushner na married kay Presidential Daughter Ivanka Trump.

May venture capital firm din si Josh na Thrive, ang unang nag-invest sa photo-sharing app na Instagram.

Naganap ang wedding nila Karlie at Josh sa upstate New York noong nakaraang October 18. Nag-propose noong nakaraang August 2018 si Josh kay Karlie.

Small and intimate lang ang naging wedding with 80 guests consisting of close family and friends. Suot ni Karlie ay isang wedding dress na gawa ng Dior kung saan naging muse siya since she was 16-years old.

Nagsimulang mag-date privately sina Josh at Karlie noong 2012 pero never silang nakunan ng photo na magkasama. Noong 2015 lang nakunan ang dalawa together noong mag-attend sila ng Met Gala Ball.

vuukle comment

GISELLE SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with