^

Pang Movies

Pia sa Australia magbi-birthday

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pia sa Australia magbi-birthday
Pia Guanio

Kahapon, binati ko na ng advance happy birthday si Pia Guanio nang magkita kami sa backstage ng Eat Bulaga.

Ang alam ko kasi, aalis na si Pia kasama ang kanyang pamilya pa-Sydney, Australia para sa kanyang birthday break.

Bukas pa kasi ang birthday ni Pia at akala ko ngayon na ang alis nila pa-Sydney, pero hindi pa raw.

“Sa Sunday pa, grand finals pa kasi ng Miss Millennial 2019 on Saturday, so, tatapusin ko na muna,” sey ni Pia.

Hanggang November 5 pa yata si Pia at ang kanyang pamilya sa Sydney.

Regine dedma sa mga namba-bash

Moved ng November 5 ang presscon ni Regine Velasquez-Alcasid para sa kanyang Regine at the Theater.

Hindi kasi available ang venue na gusto ni Cacai Velasquez-Mitra (sister cum manager ni Regine at producer ng concert na ‘yon), kaya hindi na muna tuloy sa Thursday ang presscon sana ni Regine.

Sa ngayon, nakabalik na ng bansa si Regine at ang mister niyang si Ogie Alcasid.

Natuwa raw si Regine nang mabalitaan na almost sold-out na ang tickets para sa November 17 at 24 Regine at the Theater.

Bale ang marami-rami pa ay ang tickets para sa November 25.

Sa New Frontier Theater (dating KIA Theater) ang three nights concert ng Asia’s Songbird.

Oo nga pala, may ibang bina-bash pa rin si Regine dahil sa naging desisyon niya na lumipat sa ABS-CBN.

Pero ang maganda kay Regine, kahit ano pa ang sabihin ng mga basher na ‘yon, hindi na lang siya masyadong nagre-react.

Sa ngayon, ang focus ni Regine ay ang mga proyektong gagawin niya sa Kapamilya network, pati na rin ang bonggang Regine at the Theater niya!

Rayver alagang-alaga sa GMA

Si Rayver Cruz sa Eat Bulaga kahapon para sa promotions ng bago niyang afternoon series sa GMA 7.

Kasama niyang nag-promote si Thea Tolentino.

Mukhang at home na at home na si Rayver sa pagbabalik-Kapuso niya.

Halos araw-araw ngayon ang trabaho ng boyfriend ni Janine Gutierrez (naku, obvious naman na mag-sweethearts sila).

Asikasung-asikaso rin si Rayver sa Siyete dahil palaging nakatutok sa kanya ang handler niyang si Ira ng GMA Artists Center.

vuukle comment

PIA GUANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with