^

Pang Movies

Abby sasagot sa salpukan nila ng kapatid

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Abby sasagot sa salpukan nila ng kapatid
Mayor Abby

Ngayon ang grand presscon ng Beautederm Home at invited ang lahat ng mga celebrity endorser nila.

Sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ang dalawa sa mga alaga ko na ambassador ng Beautederm Home kaya invited ako at obligado na dumalo.

Dalawa ang showbiz-related events na pupuntahan ko today, ang Beautederm Home presscon at ang meet the entertainment press ni Makati City Mayor Abby Binay.

Excited ako na makausap nang personal si Mayor Abby dahil kasama ako sa maraming bilang ng Pilipino na intrigang-intriga sa magaganap na mayoral race sa Makati City sa 2019.

Parang mahirap paniwalaan na matindi ang tagisan nila ng kanyang kapatid na si Junjun Binay na mahigpit na kalaban niya sa mayoral race sa Makati City.

Kunsabagay, hindi na bago ang mga ganyan na scenario dahil noon pa man, marami na ang magandang samahan ng pamilya na nasira dahil sa pulitika at maging sa showbiz.

Ilang magkakamag-anak na artista na ba ang nagbangayan at umabot pa sa korte ang hidwaan?

Natatandaan pa ng madlang-bayan ang away noon ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes na humantong sa demandahan, ang word war nina Assunta at Alessandra de Rossi, ang sibling rivalry nina Jinggoy Estrada at JV Ejercito na JV Estrada na ang pakilala sa sarili, ang mga emote ni Sheryl Cruz laban kay Senator Grace Poe nang kumandidato ito na pangulo ng Pilipinas noong 2016 at ang makasaysayan na bangayan ng Barretto sisters, sina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Sa totoo lang, marami sa mga showbiz family ang magkakaaway at may mga unresolved issue pero pinili nila na manahimik dahil umiral ang kanilang pagiging disente at edukado.

Hindi naman sila nagkamali sa kanilang pananahimik dahil naayos din ang mga problema nila at maganda na uli ngayon ang kanilang mga relasyon.

Ibang mga nakatrabaho ni Regine masama ang loob

May tampo kay Regine Velasquez ang ilan sa mga dating katrabaho niya sa GMA-7 dahil sa kanyang mga nasabi nang mag-ober da bakod siya sa ABS-CBN.

Hindi masisisi ni Regine ang mga nagtampo na former co-workers dahil saksi sila sa magandang treatment sa kanya ng Kapuso Network management.

Hindi ako nang-iintriga dahil personal ko na nakausap ang mga tao na may tampo kay Regine pero nag-wish pa rin sa kanya ng good luck

Asawa Ko... iniba ang programming ng GMA

Nagkaroon ng pagbabago sa programming ng mga afternoon teleserye ng GMA-7 dahil kahapon, ang pilot telecast ng Asawa Ko, Karibal Ko ang isinalang pagkatapos ng Eat Bulaga.

Inilagay ang teleserye nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Jason Abalos sa former timeslot ng Ika-5 Utos, ang drama series nina Tonton Gutierrez, Gelli de Belen, Jean Garcia etc.

Ang Ika-5 Utos ang mapapanood pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko. Hindi ko na inalam ang dahilan ng palitan ng timeslot ng dalawang programa bilang management decision ‘yon.

vuukle comment

MAYOR ABBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with