^

Pang Movies

Atasha ayaw maging beauty queen, mas gustong maging katulad ni Bea

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Atasha ayaw maging beauty queen, mas gustong maging katulad ni Bea

Inamin ng isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach na taga-hanga siya ni Bea Alonzo na kamakailan lang ay itinambal sa kanyang daddy sa unang pagkakataon para sa pelikulang First Love.

Seventeen pa lang si Atasha at ang pangarap daw niya ay maging katulad ni Bea someday.

Kaya nga kahit na kasama niya nang nanood ang kanyang Kuya Luigi (Muhlach) at asawa nito sa premiere ng nasabing pelikula, nanood pa rin ulit siya sa opening day nito sa isang sinehan sa Alabang Center, Muntinlupa City.

And guess kung kaninong performance ang pinaka inabangan niya?

Answer : Her Dad, Aga.

Hindi raw akalain ni Atasha na napakagaling pala talagang aktor ng kanyang ama. And how good-looking he is, too.

Bigla raw tuloy siyang naging fan ng kanyang ama.

Si Atasha ay “mini-me” ng kanyang inang si Charlene. In height, body, intelligence and movement.

Pero katulad ng kanyang mommy Charlene at lola na si Elvira Gonzales na dating mga Bb. Pilipinas-Universe at former Miss Press Photography in her time, hindi raw ang pagiging beauty queen ang grandest dream niya. She wants to be an actress like her Mom and Lola too, and most of all, like Bea.

Megan at Mikael pinayuhang ‘wag munang magmadali

Speaking of beauty queens, marami ang nagtatanong kung kailan pakakasal sina Miss World 2013 Megan Young and her boyfriend of a few years, Atenean-turned actor Mikael Daez.

Kung sabagay, a number of their friends advised them na huwag magmadaling magpakasal muna. Megan, after all is only 28 years old at si Mikael naman is 30.

Pareho sila Kapuso talents at huli silang napanood sa seryeng The Stepdaughters. Mikael is a favorite leading man ng ilang fellow female GMA-7 contract stars niya.

Mayor HB mas kapani-paniwalang gustong maging ambassador

Napakababaw naman kung totoo ang dahilan na gusto ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista na maging full-time father na lang sa kanyang apat na anak, dalawa sa dating kilalang TV producer na si Eloisa Matias, at dalawa rin kay Tates Gana kaya siya nagkaroon ng cold feet para tumakbo bilang Congressman ng second district ng QC.

Ang lalaki na ng mga anak ni Mayor Bistek. Two of them even finished college na.

Race, anytime soon might work for a film firm, as he fi­nished a course in film from a university in the U.S.

Sa isang exclusive university rin nagtapos ng college si Athena.

Mas may katotohanan ang whispers na he looks forward to being assigned the post of an ambassador in a foreign country.

Mayor Herbert finished a course in Public Administration at the U.P.

Lara pahinga pa rin pagka-panganak

Wala pa raw idea si Lara Quigaman kung kailan siya ulit makakabalik sa paggawa ng pelikula at TV series, kaka-one month pa lang ng kanyang pangalawang anak na lalaki at hanggang ngayon ay nagbi-breastfeeding pa rin siya.

Medyo overweight pa rin si Lara na huling napanood sa seryeng Halik bilang asawa ni Romnick Sarmienta.

In real life, she is happily married to Kapuso actor Marco Alcaraz.

No need to tell you more kung ano naman ang nangyari kina Romnick at asawang si Harlene Bautista na kasama rin sa Halik.

Kasama rin sa cast ng Halik sina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby and Yam Concepcion bilang lead roles. In supporting roles naman sina Christian Bables, Almira Muhlach, Ria Atayde, Cris Villanueva at Amy Austria.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with