^

Pang Movies

Giyera ng mga artista sa pulitika mainit na naman

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Giyera ng mga artista sa pulitika mainit na naman
Aga Muhlach

Mukhang buhay na buhay na naman ang mga “giyera” na kung saan involved ang mga artista.

Isang abugado, si Jesus Falcis ang nagsabi kay Aga Muhlach na, “artista ka lang. Huwag kang makialam sa pulitika.” Iyong statement na iyon ay hindi nakalampas sa maraming mga netizen at maging sa celebrities na nagsabing “ang mga artista nagbabayad ng malaking tax kaya natural na may pakialam sila sa tumatanggap ng suweldo dahil sa tax nila.”

Hindi pa roon natigil. Hinanap pa nila kung sino talaga si Jesus Falcis, hanggang sa may magpadala sa amin pati ng isang news item kung saan ang abugado ay kinastigo ng Korte Suprema dahil dumating daw iyon nang hindi nakabihis ng tama sa preliminary hearing noong ipinaglalaban niyang cause ng LGBT. Isa siya sa mga nagharap ng kaso sa Korte Suprema para gawing legal ang pagpapakasal ng mga bakla at tomboy.

May isa pang clippings na nagko-quote sa kanyang post mismo sa social media na nagsasabing “kinilig” siya nang malaman niyang maglalaro para sa UP Maroons sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

Wala naman silang sinasabing pag-discriminate sa LGBT.

May isa pang kaso, ang sinasabi namang nani­nira rin kay AiAi delas Alas. Lumalabas sa mga ginawang research na iyon daw ay isang “poser account”. Ibig sabihin wala talagang taong ganoon at may kung sino lang na gumawa ng poser account para manira.

Eh hindi ba ang isa pang napakahilig manira ay ang ‘Vilma Santos Recto’ sa Twitter na sinasabi nga ni Congresswoman Vilma Santos na hindi sa kanya, pero ginagamit ang picture niya at ang pangalan niya para siraan ang ibang mga artista.

Kaya nga, ang mga ganyan ba ang pagtitiwalaan ninyo?

Rayver may gustong patunayan

Napansin lang namin, mukhang napakasipag ni Rayver Cruz sa promo ng kanilang seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na nagsimula na kahapon. Umagang-umaga nasa morning show siya para mag-plug lamang ng kanilang seryeng ilalabas na sa kahapon.

Marami kasing kailangang patunayan si Rayver. Ang pinaka matindi, hindi lamang ang kanyang abilidad sa acting ang kailangan niyang patunayan ngayon, kung di ang kakayahan din niyang bumatak ng ratings para sa kanilang show.

Aba kung malulusutan naman niya iyan, sigurado na siya sa mas magandang career na darating sa kanya, lalo na’t sinasabi ngang wala nang matibay na leading man ngayon sa kanilang network.

Direktor na mahilig magpautang sa mga poging bagets, nagbago na

“Hindi na ako kagaya nang dati na pautang nang pautang. Sa hirap ng buhay ngayon, tapos mangungutang nang hindi naman nagbabayad,” sabi ni direk nang minsan inuutangan na naman siya ng isang bagets. May reputation kasi si direk na basta mga poging bagets ang nangungutang sa kanya ay nagbibigay agad siya kahit na hindi siguradong mababayaran siya.

Wala din naman daw siyang hinihinging “collateral”.

Baka naman gusto niyang maging secretary ng DSWD?

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with