^

Pang Movies

Miss World PH Laura Lehmann mas gusto munang mag-artista kesa pakasal sa dyowa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miss World PH Laura Lehmann mas gusto munang mag-artista kesa pakasal sa dyowa
Laura Lehmann

Sa edad na 25, wala pa raw sa plano si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann na magpakasal sa kanyang boyfriend of four years na si Von Pessumal.

Gusto pa raw ni Laura mag-explore sa ilang mga bagay sa career niya ngayong naipasa na niya ang kanyang korona sa bagong Miss World Philippines na si Katarina Rodriguez.

“Marami pa kasi akong gustong gawin at this age. I want to travel more and do things na hindi ko pa nagagawa.

“But of course, by the age of 30, I hope to have na my own family.

“For now, trabaho and career ang focus natin,” diin pa ni Laura.

Handa na raw pasukin ni Laura ang showbiz at bilang bagong contract artist ng GMA Artist Center ay kabilang sa mga project na gagawin niya ay ang hosting at paglabas sa teleserye.

“I’m excited to start a new career. Now that b­eing Miss World Philippines is over for me, medyo gumaan na ang workload ko at dito naman ako sa new career ko in showbiz.

“I hope that I make an impression kasi I love hosting and I will eventually like to act din sa mga teleserye,” ngiti pa ni Laura.

Rico balik-pulitika

Tuloy pa rin ang pagtakbo ni Rico J. Puno for re-election para sa 1st district councilor position sa Makati City.

Ayon sa OPM legend, wala raw makakapigil sa kanyang pagtakbo in 2019.

“I’ve been in politics since 1998 at maganda naman ang naging record natin. Naniniwala ako na kapag nilagay ka ng Diyos sa posisyon na ito, it’s really meant for you,” ngiti pa ni Rico.

Naka-recover na kasi ang veteran singer mula sa kanyang triple heart bypass operation noong 2015. Kaya hindi raw puwedeng gawin dahilan ang kanyang kalusugan para hindi niya gawin ang gusto niya which is to entertain.

“Aside from doing concerts, lumalabas pa ako sa tatlong TV shows sa ABS-CBN 2 na It’s Showtime sa Tawag Ng Tanghalan, Home Sweetie Home and Ang Probinsyano.

“Nasabi ko nga noon, only God can stop me from singing. Siya lang ang puwedeng magsabi na, ‘Rico, you’re done!’ Pero ramdam ko na gusto pa rin ni Lord magtuluy-tuloy pa ako sa pagbigay ng saya at makapagsilbi pa tayo sa maraming tao,” ngiti pa niya.

Hindi rin daw nawawala ang kanyang mga naughty antics kapag meron siyang concert. Hinahanap-hanap daw ng kanyang audience ay ang kanyang signature na mga bastos na jokes.

On November 23 sa Theater @ Solaire ay mapapanood si Rico kasama sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez sa concert na Music and Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko. Kasama rin ang anak ni Rico na si Tosca Puno. Produced ito ng Grand Leisure Corporation and StartUp Village.

vuukle comment

LAURA LEHMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with