^

Pang Movies

Aga at Bea balik-Canada!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga at Bea balik-Canada!
Aga Muhlach at Bea Alonzo

Balik Vancouver, Canada sa October 28 sina Aga Muhlach at Bea Alonzo kung san kinunan ang kanilang pelikulang First Love. Premiere kasi nito sa isang plush na sinehan doon.

Ang First love ay mula sa production ng Star Cinema, Viva Films at Ten17 Productions ni direk Paul Soriano na siya ring nagdirek ng pelikula.

Sina Aga, Bea at Direk Paul ay umaasang magkakatrabaho pang muli pagkatapos ng kanilang unang pelikula.

Sa premiere ng First Love sa cinema one sa Megamall noong Tuesday, last week, kasamang nag-attend ni Luigi Muhlach (anak ni Aga kay Janice de Belen) ang kanyang asawa with his Tito Albert Muhlach (Aga’s younger brother) kasama rin ang asawa nito.

Magkakatabi raw ang mga ito sa upuan ayon sa source.

“Sa lahat ng events ni Aga, mapa-showbiz o hindi man, laging nandun si Luigi at asawa. Kung minsan pa nga, kasama nila ang kanilang tatlong anak,” patuloy pa nito.

Aga had Luigi when he was 17.

Aga and Charlene’s (Gonzales) twins, Atasha and Andres, are both turning 17 ngayong November.

Jed, greatest achievement ang maging judge sa TNT

Bukod pala kay Regine Velasquez, magiging guest performers din sa 15th anniversary concert ni Jed Madela na Higher Than High sina Vice Ganda, Nyoy Volante, Darren Espanto, Isay Alvarez, Robert Seña, TNT Boys, Carla Guevarra-Laforteza, Kakai Bautista, BoyBand PH, Tim Pavino at Madrigal Singers.

Gaganapin sa Araneta Coliseum ang nasabing concert sa November 16, Jed will perform with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra under Gerald Salonga.

Ikino-consider daw ni Jed bilang isa sa greatest achievement niya bilang singer ang maging judge ng daily singing contest na Tawag Ng Tanghalan (TNT) sa It’s Showtime.

Well, nandoon nga rin naman kasi ang kanyang fellow singing icons na sina Dulce, Nyoy Volante, Jaya, Kyla and Rey Valera, among others.

For those of you who may have forgotten, Jed was the first Filipino to have won the international title World Championship of Performing Arts.

Now 41 years old (birthdate: July 14, 1977), ina­min ni Jed na hindi naman siya nagmamagdaling mag-asawa o magkaroon ng commitment.

Elizabeth hindi na maalala kung ilan ang nakarelasyon

Sa edad na 60 plus, hindi na maalala ni Elizabeth Oropesa kung ilan ang mga nakarelasyon niya noong kabataan niya. Hindi rin naman niya itinatanggi na meron siyang apat na anak sa magkakaibang ama.

But all four of them are close sa isa’t isa. Kahit may asawa na ‘yong nag-iisang anak niyang babae.

Alam daw ni Beth na habulin siya, lalo’t isang beses noon, dalawang sikat na aktor ang muntik nang magka-initan dahil sa kanya.

Still sexy at her age, she remains in demand for movie and TV work. Tulad ngayon, kasama siya sa cast ng bagong serye ng GMA-7, ang Pamilya Roces, kung saan kasama niya sina Gloria Diaz, Carla Abellana and Jasmine Curtis Smith with Joel Lamangan directing.

Come to think of it, kung naging legal ang pag­sasama nila ng ama ng kanyang anak na si Genevieve, posibleng naging legal surname niya ang Roces.

Anak kasi ni Mark Roces of the same Roces family si Genevieve.

But as we all know, Elizabeth married Chinese action star Meng Fie, with whom she has long separated.

May anak silang isang lalaki na kanyang bunso.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with