^

Pang Movies

Aga, nasa konstitusyon ang mga sinabi!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aga, nasa konstitusyon ang mga sinabi!
Aga

May isang grupong nananawagan sa iba’t ibang social media platforms na i-boycott ang actor na si Aga Muhlach. Iyan ay dahil sa isang opinion na kanyang nasabi sa isang TV show kama­kailan.

 

Isa lang ang masasabi namin diyan. Malaking kalokohan ‘yan.

Una, hindi tumayo si Aga sa isang political platform, Nandun siya sa TV show, kasama niya ang iba pang mga artista para mag-plug ng kanyang pelikula.

Alam ba niyang may ipa-flash na mga litrato doon ng mga tao at tatanungin siya ng kanyang opinion tungkol sa kanila?

Isa pa, hinanap namin ang sinasabi nilang video ng show  dahil hindi talaga namin napapanood ang programang iyon. Nakita namin ang video at walang sinabing masama si Aga sa aming palagay. Masama ba ang kanyang sinabi na tama na ang away-away at magkaisa na ang lahat para sa bayan? Nananawagan si Aga para magkaisa ang bansa. Masama ba iyon?

Nagbigay lamang siya ng kanyang opinion. Kung may dapat i-boycott, walang iba kung hindi ang nagpakita ng picture dahil hindi naman magbibigay ng opinion si Aga kung wala silang ipinakitang ganoon.

Pangalawa, nasaan ang ipinaglalaban diumano nilang freedom of speech? Bakit sila malayang magmura ng kanilang kapwa, tapos gusto nilang i-boycott ang nagbigay ng isang personal na opinion?

Kung sa bagay matindi iyon, dahil si Aga Muhlach iyon, at saka sa telebisyon. Mas maraming nanonood sa telebisyon kaysa sa bloggers. Pero ano ang gusto ninyo, alisan ninyo ng karapatang magsalita ang isang tao dahil hindi kapanig ng partidong nagpapa-suweldo sa inyo?

Sinasabi namin ito hindi dahil kaibigan namin si Aga, but in the spirit of fair journalism and freedom of speech, na maliwanag sa konstitusyon ng Pilipinas.

Mister ni AiAi pumatol sa social media user na hindi wasto ang utak

Halata mong nagalit na si Gerald Sibayan, ang asawa ng komedyanang si AiAi delas Alas sa isang basher na naninira sa kanyang asawa.

Pinatulan ni Gerald ang wala sa ayos na basher. Sasabihin ng iba, bakit naman niya pinatulan ang mga sira ulong ‘yun?

Hindi ninyo siya masisisi, asawa niya ang sinisiraan. At saka kung minsan ang mga bastos na iyan ay hindi matitigil kung hindi mo papatulan.

Eh kahit lasing kung makulit, aba eh kailangang sapakin nga para matigil.

Iyan pa bang sisiraan ang asawa mo sa social media na nalalaman ng maraming tao? Hindi namin masisi si Gerald, talagang maraming hindi wasto ang utak na nasa social media ngayon.

Ate Vi umaray na sa malaswang manggagamit sa twitter

“Ipinaaabot ko lang sa lahat, wala po akong Twitter account,” sabi mismo ni Congresswo­man Vilma Santos. Dahil iyan sa isang gunggong na gumawa ng account sa nasabing social media platform na ginagamit ang pangalan ni Ate Vi at kung anu-anong kaggunggungan din ang sinasabi.

Aywan kung papaano mapipigil ang mga gunggong na ganyan sa social media. Kaya kami nga ang lagi naming sinasabi, huwag kayong maniniwala sa kung ano mang nababasa ninyo sa internet. Marami diyan na fake news lang.

Wala pa ring kapalit ang mga lehitimong diyaryo na kung may mali, alam ninyo kung sino at kung saan hahanapin. Eh iyang mga blogger na iyan, kilala ba ninyo?

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with