^

Pang Movies

Andeng Bautista papalitan sa puwesto ang asawa!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Andeng Bautista papalitan sa puwesto ang asawa!
Andeng

Confirmed na Salve A. na tatakbong Mayor si Andeng Ynares ng Antipolo for 2019 elections, asawa siya ng kasalukuyang Mayor ng nasabing lugar na si Jun Ynares at younger sister ni former Senator Bong Revilla Jr.

 

Kung ano naman ang plano ni Mayor Jun sa kanyang political career? Wait and see na lang tayo.

Both Andeng and Mayor Jun belong to popular political families.

Ang tatay ni Andeng ay si former actor-senator Ramon Revilla, Sr., habang kasalukuyang Governor naman ng Rizal Province ang mother ni Mayor Jun na si Nini Ynares.

Kaunti lang ang nakakaalam na si Andeng ay dating child actress, Andrea Bautista ang ginamit niyang screen name noon.

Tinalikuran niya ang pag-aartista nang magdesisyon siyang kumuha ng kursong medicine sa isang kilalang university sa Metro Manila. At doon niya nakilala at naging classmate si Mayor Jun.

Sa kanilang dalawa, si Mayor Jun ang nakatapos ng medisina. He is actually a doctor by profession, pero na-developed ang passion niya sa pulitika dahil na rin sa influence ng kanyang mga magulang.

Ang kanyang tatay na si Casimiro Ynares, Sr. ay parehong umupo sa posisyon bilang Governor and Representative ng Rizal Province.

Samantala, kamakailan lang ay sinubukang buhayin ng pamilya Revilla ang production firm nila na Imus Productions, magkatulong na nag-promote sina Andeng at ang kuya niyang si Marlon Bautista para sa pelikula nina Jolo, Bryan at Luigi Revilla na Tres. (Wow, goodluck Mareng Andeng. - SVA)

Pamilya Revilla sabay-sabay ulit na tatakbo

Kasado na rin ang muling pagtakbo bilang Senador ni Bong Revilla Jr.

Ang kanyang asawa na si Bacoor Mayor Lani Mercado ay tatakbo rin for re-election. Kasama niya si Rowena Mendiola, (Bong’s elder sister), na re-electionist din for Bacoor City Councilor. And of course, si Cavite Representative Strike Revilla, who will run for the same position the second time around.

Aga proud na proud sa nakamit ni Alyssa

Proud na proud si Aga Muhlach para sa pamangking si Alyssa Muhlach sa kanyang younger sister na si Almira Muhlach, who recently won the beauty title Reina Hispanoamericana Filipinas 2018.

Graduate ng Marketing Communication Ma­nage­ment from the University of Asia and the Pacific si Alyssa.

Muli siyang lalaban sa 28th Reina Hispanoame­ricana 2018 finale, na gaganapin on November 3, sa Sta. Cruz se la Sierra, Bolivia.

Si Almira ay professional make-up artist na ngayon, at proud niyang sinabi na siya ang nag-make up sa kanyang anak noong araw na nanalo ito.

Ang tatay ni Alyssa ay si Bong Alvarez na dating basketball player ng PBA (Philippine Basketball Association). Matagal na silang hiwalay ni Almira.

Sa ngayon, si Almira ay madalas mapapanood sa seryeng Halik ng ABS-CBN kung saan gumaganap siya bilang nanay ni Sam Milby at asawa ni Cris Villanueva.

Si Direk Ruel Bayani ang direktor ng nasabing serye at bida rin dito sina Jericho Rosales, Yen Santos and Yam Concepcion.

Romnick bagay na aburidong tatay 

Sobra ang na-improve ni Yam bilang isang actress. Wala siyang kiyeme sa kanyang mga kissing scenes with both Sam at Jericho.

While she plays Jericho’s supposed legal wife, kabit naman siya ni Sam, who is supposedly married to Yen.

Kasama rin sa cast si Romnick Sarmenta na gumaganap naman bilang aburidong tatay ni Yen, at bagay sa kanya ang role.

No need to explain why.

Confirmed na rin na anytime soon, magpa-file sila ng annulment ng asawang si Harlene Bautista.

vuukle comment

ANDENG YNARES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with