^

Pang Movies

Ate Vi ginagamit sa kalaswaan sa social media

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi ginagamit sa kalaswaan sa social media
Vilma Santos

May kung sinong gumagamit sa pangalan ni Congresswoman Vilma Santos sa iba’t ibang social media platforms. Hindi lang naman sa pulitika, karamihan ay showbiz pa ang post na ginagawa ng poser na iyon. Kadalasan inaaway ng poser ang ibang mga artista, at kung minsan may mga bastos siyang posts na may kinalaman sa sex.

Siyempre ang talagang nakakakilala naman kay Ate Vi, hindi maniniwala na ang mga post na iyon ay talagang galing sa kanya. At papaano pa nga ba naman siyang makagagawa nang ganoon eh napakarami niyang trabaho. Iyon ngang mga pelikula na mismo, na kung iisipin ay pagkakakitaan na niya nang malaki ay hindi niya maharap, iyon pa bang manira siya sa social media na wala naman siyang pakinabang?

Maraming ulit na raw na may mga gumawa ng report tungkol sa nasabing fake account, pero mukhang walang aksiyon ang social media group na iyon.

Sinasabi pa raw nila na wala silang nakikitang violation sa rules ang poser. Kasi nga ang mga bastos na posts ay nasusulat sa Tagalog na hindi naman siguro naiintindihan ng mga foreigner na nasa likod ng social media platform.

Minsan nga nasasabi na lang ni Ate Vi na huwag na lang pansinin. Pero nahihiya rin siya sa mga kapwa artista dahil sa kung anu-anong sinasabi ng poser.

Basta naman daw kinokontra ng mga Vilmanian ang poser, ibina-block lang sila noon, kaya nananatili siyang nagagawa ang hindi maganda.

Kung sabagay, ang nagre-react na lang naman sa poser account na iyon ay mga taong hindi talaga kilala si Ate Vi, o iyong mga sadyang mapagpaniwala sa fake news. Wala naman daw nakikita ang aktres na epekto noon sa kanyang katayuan sa showbiz at maging sa pulitika rin.

Mga oldies ng GMA kinokolekta ng Kapamilya?

Matapos na lumipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN, hayun at doon na rin daw pupunta si Lani Misalucha. Huling nagkasama ang dalawa sa matagumpay na The Clash ng GMA 7. Pero sinasabi nga ng GMA na tuloy pa rin ang panibagong The Clash sa susunod na taon, at sigurado naman daw silang makakahanap sila ng mga bagong star para sa nasabing talent search.

Mula naman sa ABS-CBN, lumipat sa GMA 7 si Rayver Cruz na siyang leading man ngayon ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na mapapanood naman sa kanilang afternoon prime time series.

Ang comment nga ng iba, mukhang iniipon daw ng ABS-CBN ang mga “old reliable” samantalang ang GMA naman ay kinukuha ang “younger breed of stars”.

Sikat na aktres na tumawag kay Nadine ng ‘flop queen’mas kilalang‘pull-out queen’

Baka magalit ang fans ng isang dating sikat na aktres sa naninira at tumatawag kay Nadine Lustre na ‘flop queen’. Wala pa namang napapatunayang flop si Nadine, samantalang ang kanilang idolong laos na ay kilalang “pull-out queen”, dahil ang mga pelikula ay tumatagal lang ng dalawang araw sa mga sinehan at kung minsan nga ni hindi maipalabas sa mga sinehan.

Nalulugi lang kasi ang mga sinehan dahil kadalasan pito lang ang nanonood ng pelikula niya. Kaya may ilang pelikula niya na “straight to TV” na lang at hindi na ipinapalabas sa mga sinehan. Wala naman kasing gustong maglabas ng mga iyon. Siya ang flop queen, hindi si Nadine.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with