^

Pang Movies

Cherie naka-move on kay Mark dahil kay ‘Hendricks’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Cherie naka-move on kay Mark dahil kay �Hendricks�
Cherie Gil

Apat na taon na ang nakalipas pero hindi pa rin daw nawawala ang lungkot ng aktres na si Cherie Gil sa pagkawala ng kanyang kapatid, ang aktor na si Mark Gil.

Taong 2014 noong sumakabilang-buhay ang award-winning actor dahil sa sakit na liver cancer.

Inamin ni Cherie na isa iyon sa pinakamalungkot na chapter ng buhay niya dahil hindi nila matanggap na pumanaw na ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya.

Para makatulong sa pag-recover si Cherie, nagkaroon ito ng tinatawag na emotional companionship. Ito ay ang pet dog niya ngayon na si Hendricks.

Sa kanyang Instagram ay nag-share si Cherie kung paano naging source ng kanyang happiness ang aso niya ngayon na nag-celebrate pa ng ika-apat nitong kaarawan.

“2014 was the most difficult year of my life. It was then when my brother Ralph passed and left us all in the family completely destroyed and lost.

“He has been my calm and consolation. No other dog has shown me so much loyalty and love. Today is his 4th birthday. Happy birthday Hendricks !thank you for being my constant.”

Nadine isinugod sa ER matapos kumain ng fried chicken

Itinakbo ng aktres na si Nadine Samonte-Chua ang kanyang sarili sa ospital pagkatapos na makaramdam ng hindi maganda sa kanyang katawan.

Kasalukuyang buntis si Nadine sa ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Richard Chua.

Nai-post ni Nadine dati na maselan ang kanyang pagbubuntis sa una nilang baby kaya hindi siya masyadong puwedeng magkikilos at panay bed rest siya.

Worried si Nadine na baka maulit ang mga naranasan niyang sakit na Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) at Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) sa ikawalang pagbubuntis niya.

Vietnamese actress Lana Condor hanggang friends lang kay Noah Centineo

Nagsalita na ang Vietnamese-American actress na si Lana Condor tungkol sa phenomenal team-up nila ng Hollywood It boy ngayon na si Noah Centineo sa Netflix series na To All The Boys I’ve Loved Before kung saan ginagampanan nila sina Lara Jean and Peter.

Aware si Lana na she’s “living every girl’s fantasy” dahil sa pagbida nila ni Noah sa isa sa pinaka-aabangan na series sa Netflix.

“I have this beautiful relationship with Noah, he’s a great friend of mine in real life.

“I would say that we probably did our job right if people like us together. I mean, when I watched the film back, I wanted Peter and Lara Jean to be together! So I completely understand that,” sey pa ng 21-year old actress na lumabas na sa pelikulang X-Men: Apocalypse.

In real life ay may boyfriend si Lana, ito ay ang actor-singer na si Anthony De La Torre.

Pinanganak si Lana sa Vietnam with the name Tran Don Lan. Sa Chicago, Illinois na siya lumaki dahil sa kanyang adopted parents na nagbigay ng name sa kanya na Lana Condor.

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with