^

Pang Movies

Ronaldo walang hinaing sa pagiging bastardo

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Ronaldo walang hinaing sa pagiging bastardo
Ronaldo Valdez

Wala akong makitang masama kung mga bas­tardo o bastarda man ang tawag sa mga anak sa labas. Mga anak pa rin sila ng kanilang mga magulang na bunga ng pagmamahalan, ang ka­ibahan nga lamang ay walang naganap na kasalan o sumpaan sa harap ng altar sa simbahan with the blessing of the officiating priest.

Ganito ang daloy ng istorya ng new TV series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances presents: Los Bastardos na nag-start ng umere noong Monday. Tampok sa seryeng ito ang mga hunk bastardos na sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño at Joshua Colet. Sila ang bastardos Cardinal na mga anak ng tatay nila na ginagampanan ng walang kupas na si Ronaldo Valdez.

Sa press lunch na ginanap, sinabi niya na hindi kasalanan na maging bastardo o bastarda ang isang anak na isinilang out of wedlock. Birong patanong kay Ronaldo ng press, bukod ba sa anak na si Janno Gibbs at Melissa Gibbs nagkaroon ba siya ng bastardo o bastarda sa ibang girls? Ang sagot niya, switch to other station. Pero humalakhak siya.

Kasama rin sa cast ang magagandang young stars na sina Mica Javier, Marijoy Apostol, Maxine Medina, Jane Oineza, Ritz Azul at Kylie Versoza.

Naging kaagapay ang mga senior stars na ‘di pa rin nawawalan ng ningning tulad nina Perla Bautista, Rosanna Roces, Isabel Rivas, Ana Obando Santos, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Bert Reyes, Lito Pimentel and Efren Reyes.

Romnick at Harlene mananatiling magkaibigan

Walang may alam ng dahilan ng paghihiwalay nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Naging maganda naman ang kanilang pagsasama, good husband and wife sa isa’t isa at good parents sa kanilang mga anak at pareho silang tahimik at naging abala sa negosyo.

Si Harlene ay may-ari ng isang restaurant sa Quezon City, ang Salu, na famous sa masarap na putahe at laging pinagdarausan ng movie presscon.

Si Romnick naman ay may tindahan ng mga spare parts ng mga motorcycle at bike at iba pang sasakyan. Kaya nawalan sila ng panahon na mag- showbiz. Tapos heto nga at parang bombang sumabog ang kanilang paghihiwalay. Sa intervew namin sa kanila, kahit sila maghiwalay, still friends pa rin sila. Walang magbabago.

Personal…

Congratulations! 32nd PMPC Star Awards for TV, a very successful night na halos walang maupuan dahil sa rami ng nanood.

Mabibingi ka rin sa fans kapag natawag ang name at umakyat sa stage ang mga artistang iniidolo, katakut-takot na tilian ang maririnig mo.

Congratulations sa mga nagwagi, nag-host, nag sayaw, kumanta at iba pang mga performer.

Salamat po sa lahat! hindi man namin mabanggit ang mga name, pero alam n’yo po and only God knows kung sino kayo. To Tessie Celestino-Howard and the whole production staff ng Airtime Marketing, Inc., the director, a million thanks at sa Lee JRW in Theater, Ateneo.

vuukle comment

RONALDO VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with