Bela naloka nang tawaging laos
Naloka si Bela Padilla nang tawagin siyang laos ng isang fan.
Pumalag ang actress na in fairness ay hindi naman talaga siya laos noh. May career siya at abala sa pelikula. Dalawa ang magkasunod niyang movie na sa true lang naman ay hindi super sadsad sa takilya, ang Meet Me in St. Gallen with Carlo Aquino and A Day after Valentine’s with JC Santos. At ito nga, kasama siya sa movie ni Vice Ganda for MMFF na Fantastica. “STOP CREEPING INTO MY DM’s. STOP CALLING ME BY MY REAL NAME. STOP SENDING ME INAPPROPRIATE MESSAGES” sagot niya sa nag-message ng “Magandang umaga Krista! Maganda ka pa sa umaga! Lmao sobrang laos na hahaha hugot nalang hmm good morning! gising ka na ba? Sa Katotohanan.”
Mas busy ang lovelife kesa showbiz, Sam basketball player ang bagong dyowa, ayaw na sa Azkal player
From football player to basketball player ang drama ng sexy star na si Sam Pinto.
Kahapon ay ang basketbolista na si Anthony Semerad ang ka-date niya. Burado na ang mga picture nila ng Azkal player na si Misagh Bahadoran.
Sa kanyang IG account ay ang isa sa Semerad twins na ang ka-date ni Sam. “and so the adventure begins with this one?” caption niya.
Matagal-tagal din niyang naka-date ang isa sa star player ng Azkals.
“It’s very rare to meet someone who is basically the exact same person as you. There is never bad vibes, jealousy or competitive ego’s between us, we’re just two people chasing dreams that want the best for each other @sampinto_” ang kuwento naman ng basketball player sa IG account niya na si David ang kakambal na ex boyfriend ng beauty queen na si Gwendoline Ruais.
Anyway, at least si Sam, hindi man busy sa career niya, busy naman ang lovelife niya.
- Latest