^

Pang Movies

Lani sumunod kay Regine!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lani sumunod kay Regine!
Regine at Lani

Pati si Lani Misalucha nasa ABS-CBN na rin.

Kahapon ay nag-renew siya ng kontrata sa Star Music, so ibig sabihin ka-join na rin siya ni Regine, na sa Wednesday ay magkakaroon na ng special welcome as Kapamilya.

Si Lani ay huli ring napanood sa The Clash kung saan nga naging host si Regine.

Kaya malamang ang reunion ng mga dating taga-SOP at Party Pilipinas, sa ASAP na, na dating katapat ng programa with Jaya and Ogie Alcasid, kumpleto na sila.

Wow, sino pa kaya ang susunod na lilipat sa ABS-CBN from GMA 7?

Naungkat ang closeness kay Gerald, Bea ‘tinanong’ si Pia tungkol kay Gerald?

“Bakit, anyare?” ang tanong ni Aga Muhlach sa picture ni Pia Wurtzbach sa Gandang Gabi Vice last Sunday night kung saan nag-guest sina Aga and Bea Alonzo para sa promo ng pelikula nilang First Love na ipalalabas na sa mga sinehan starting tomorrow, Wednesday. May portion sa GGV na magpapakita sila ng photo tapos magtatanong ang guest.

Ang agad naisip ng mga nanonood ay si Gerald Anderson na may konek siyempre kay Bea. Actually, kahit si Vice napa-react pero ang paliwanag ni Aga nang tanungin siya ni Vice ay sa pagi­ging Miss Universe ni Pia ang patungkol sa tanong niya pero may peace sign siya kay Bea.

Nang tanungin si Bea kung anong tanong niya, sagot nito, wala na siyang tanong kasi natanong na ni Aga.

So nag 1 plus 1 na ang viewers na may konek nga ito kay Gerald na naging leading man ni Pia sa isang movie, ang My Perfect You. Umano’y nagselos noon si Bea dahil sa kakaibang closeness nina Pia at Gerald habang ginagawa ang movie.

So ‘yun nga kaya ‘yun? Ano ba talatang nangyari?

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with