^

Pang Movies

Bea proud sa balikan nila ni Gerald

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Bea proud sa balikan nila ni Gerald
Bea Alonzo

Masayang ibinalita ni Bea Alonzo ang kanilang re­conciliation ng rumored boyfriend niyang si Gerald Anderson. Mag-31 na si Bea sa darating na Wednesday, at kasabay nito ang opening day ng movie nilang First Love ni Aga Muhlach, directed by Paul Soriano.

Yes, they did part ways, pero mas pinili nilang ‘wag na lang pag-usapan kung bakit at kung gaano katagal bago naging sila muli.

Samantala, wala raw idea si Bea kung sasamahan siya ni Gerald sa gabing iyon bilang kanyang escort sa Megamall sa cinema one.

But so far, ang alam daw niya, sure na magkakasamang darating sina Charlene Gonzales (misis ni Aga), and of course ang kanilang kambal na sina Andres and Atasha.

Ayon kay Elvie Gonzales (mommy ni Charlene) na a-attend din sa nasabing event, big fan ni Bea ang apo niyang si Atasha.

Balita rin daw na darating sina Richard Gutierrez kasama si Sarah Lahbati.

Darating din diumano si Claudine Barretto pero wala itong kasamang escort.

Of course, si Toni Gonzaga rin ay kasamang darating ni Direk Paul with their 1-year-old son na si Seve, at ang younger sister ni Toni na si Alex Gonzaga.

Expected din ang presence ni Direk Olive Lamasan ang managing director na ngayon ng Star Cinema, which is co-producing First Love with Viva Films and direk Paul’s Ten17 Productions.

Direk Paul gustong iparanas kay Seve ang buhay sa L.A.

Bago ang promotion ng First Love, naipasyal pa ni Direk Paul ang mag-ina niyang sina Toni at Seve sa Los Angeles, California.

Sa L.A. ipinanganak si Direk Paul at gusto raw niyang makita rin ni Seve ito.

Likewise, it was an advance birthday gift for himself.

“Pasasalamat din ng matagal ko nang pangarap na makagawa ng movie, starring Aga Muhlach at Bea Alonzo.

“You have to watch it to appreciate it,” sagot ni direk Paul. “But, as far as I’m concerned, ito nang First Love ang isa sa best movies kong naidirek at nai-produce.”

First Love was shot in almost its entirely in Vancouver, Canada.

Jed tinanggihan ni Lea na makasama sa concert

Ayon kay Jed Madela, kung may isang singer daw siyang gustong idagdag sa kanyang concert na Higher Than High na gaganapin sa November 16 sa Araneta Coliseum, bukod kay Regine Velasquez-Alcasid, gusto rin daw niyang makasama si Lea Salonga.

Lakas-loob daw niyang inimbitahan ito, but Lea begged off daw.

Ganunpaman, nangako naman itong panonoorin ang kanyang concert kasama ang Philharmonic Orchestra.

Makakasama rin ni Regine ang Madrigal Singers bilang guest sa nasabing concert.

15th year na ito ni Jed sa industriya, and so far, ‘di pa naman daw siya nagsisisi sa pagiging singer niya.

He has experienced “ups and downs” pero, thankful siya sa kanyang nakamit dahil marami rin siyang sikat na ‘nakakabangga’.

Right now, advocacy ni Jed ang magturo at mag-train ng mga baguhan at aspiring singers.

Sa ganitong paraan nagkakaroon ng ideya si Jed kung anong mga klaseng awitin ang babagay sa millennials.

Well, good luck, Jed.

Personal…

Happy birthday to direk Olive Lamasan, concurrently, too, Star Cinema’s Managing direktor.

Birthday din ng aming dalawang assistants na sina Sherlita Quilaquil at Genevieve Fernandez-Pedraverde, October 15 and 18, respectively.

Happy birthday to the two of them. They are both from Ormoc City.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with