^

Pang Movies

Selena Gomez, nagkaroon ng emotional breakdown

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Selena Gomez, nagkaroon ng emotional breakdown

May matinding dahilan pala kung bakit namahinga ulit ang singer-actress na si Selena Gomez sa social media, dahil pala’y may pinagdadaanan itong sakit.

 

Nag-trending ang hashtag na #PrayForSelena sa Twitter noong nakaraang Thursday dahil kumalat ang balita na nagkaroon ng emotional breakdown si Selena habang nasa ospital ito.

Ayon sa People, naospital si Selena dahil sa low white blood cell count nito na siyang side effect ng mga dumaan na sa isang kidney transplant.

Noong i-admit si Selena sa ospital, nagkaroon daw ito ng panic attack.

Dumadaan ngayon sa dialectical behavior therapy, isang klase ito ng therapy method para matulungang ma-identify, and then change ang negative thinking and behavioral patterns.

Ginulat ni Selena ang kanyang mga tagahanga nang i-reveal nito noong October 2017 na nagkaroon siya ng kidney transplant. Ang kanyang kaibigan na si Francia Raisa ang naging kidney donor niya.

Kung hindi raw magpapa-kidney transplant si Selena, lalala raw ang sakit niyang lupus.

“My kidneys were just done. That was it, and I didn’t want to ask a single person in my life.

“The thought of asking someone to do that was really difficult for me. She volunteered and did it. And let alone someone wanting to volunteer, it is incredibly difficult to find a match. The fact that she was a match, I mean that’s unbelievable. That’s not real,” kuwento ni Selena sa isang TV interview.

Japan trip nina Bianca at Miguel, wala nang pag-asang matuloy

Maraming fans nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang nagtatanong kung matutuloy pa ba ang Japan trip ng dalawa?

Matagal nang hinihintay ng mga BiGuel fans ang bakas­yon ng dalawa sa Japan na regalo ni Miguel noong debut ni Bianca noong nakaraang March.

Nabanggit ng dalawa noon na naka-schedule na raw silang magbakasyon sa Japan pagkatapos ng kanilang teleserye na Kambal Karibal.

Pero ilang buwan na ang dumaan at hindi pa rin daw nakakaalis ang dalawa para sa kanilang bakasyon.

Tuloy naglaro sa isipan ng ilang fans ng dalawa na baka totoo na ngang may problema sa pagitan nila Miguel at Bianca.

Ayon sa isang reliable source, bago raw nagtapos ang Kambal, Karibal ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Bianca at Miguel na nauwi raw sa paghihiwalay nila.

Kaya bigla raw na-link si Bianca kay Ruru Madrid at si Miguel naman ay na-link naman sa Kambal, Karibal co-star nilang si Kyline Alcantara.

Pero nag-deny na raw sina Ruru at Kyline sa naturang tsismis na nagli-link sa kanila sa BiGuel loveteam.

Kung titingnan nga ang Instagram feed ni Miguel, huling post na photo niya with Bianca ay noong July pa. Puro mga solo pics lang ang pino-post niya.

Gano’n din kay Bianca na ang huling photo na pinost niya with Miguel ay noong July rin.

For sure na maraming manghihinayang kung tuluyang mabubuwag ang BiGuel loveteam.

vuukle comment

SELENA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with