^

Pang Movies

Ted, nanahimik sa sexual harassment ni Gretchen

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ted, nanahimik sa sexual harassment ni Gretchen
Ted at Gretchen

Tahimik si Ted Failon sa issue na kinakaharap ni Gretchen Fullido na minsang na-link sa kanya.

Walang sinasabi ang news anchor sa matin­ding pinagdaraanan ni Gretchen matapos nitong kasuhan ng sexual harassment ang dalawang executive ng TV Patrol at tatlong co-workers.

Minsang na-link ang dalawa pero naaala kong itinanggi ito ni Gretchen.

Anyway, samahan si Ted  sa kanyang pagbabalik sa Boracay.

Handa na nga ba ang isla sa muling pag­dagsa ng mga turista?

Matapos ang higit sa anim na buwang pagsasara, muling bubuksan ang Boracay sa Oktubre 26 upang ipakita ang isinagawang rehabilitasyon ng gobyerno at talakayin ang mga isyung nakapaligid dito sa ika-9 anibersaryong episode ng Failon Ngayon, ngayong Sabado (Oktubre 13) ng 11 pm sa ABS-CBN.

Noong nakaraang Abril 26, nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang ipagbawal ang pagpasok ng turista sa Boracay matapos lumabas ang mga balita sa malalang kundisyon ng isla dulot ng mga ilegal na istruktura, maling pagtapon ng basura, pagkukulang sa sanitasyon, at iba pang paninira sa kalikasan.

Ngayong bubuksan na muli ang isla, babalik si Ted para siyasatin ang mga isinagawang pagsasaayos sa Boracay. Ano nga ba ang mga pagbabagong ipinatupad sa Boracay? Ano pa’ng mga isyu ang hinaharap ng paraisong ito? Paano naapektuhan ang mga negosyante at residente roon at ano ang gagawin ng gobyerno upang siguraduhin na hindi ito masisira ulit?

Aalamin nina Ted ang sagot sa mga tanong na ito bilang pagpapatuloy sa pagsusuri nila sa estado ng Boracay, na sinimulan ng programa noong 2012.  

vuukle comment

GRETCHEN FULLIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with