^

Pang Movies

Alden at pamilya biyaheng Amerika sa Pasko

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden at pamilya biyaheng Amerika sa Pasko
Alden and Family

Bumilib ang mga kasama ni Alden Richards sa action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol na kahit siya ang bida, wala pala siyang cut-off sa taping. Kahit daw umaga na sila umuuwi sa taping, nagagawa pa rin nitong mag-report sa Broadway Studio para sa Eat Bulaga. At bilib din sila kay Alden na siya mismo ang gumagawa ng mga stunt niya. Pagpapalit-palit daw lamang niya ng costume at parang sila ang nahihirapan.

 

“Para pong motivation ko na iyong laging makasama ang mga kasama ko sa taping,” sagot ni Alden. “Motivation din sa akin iyong magagandang feedbacks na natatanggap ko mula sa viewers, iyong pong mga batang pumupunta sa set, na natutuwa akong makilala bilang si Hammerman. More than the ratings, mas gusto kong marinig ang mga sinasabi nila na nagugustuhan nila ang Victor Magtanggol. Kung may chance po naman akong matulog sa set, kung hindi pa ako ang kinukunan, ginagawa ko, saka hindi ko po nakakalimutang kumain.”

Babawi na raw lamang siya sa kanilang Christmas vacation, dahil binigyan siya ng GMA ng 10 days vacation. Sa USA sila magsi-celebrate ng Christmas dahil nandoon ang Lola Linda niya na dinalaw ang kanyang Kuya RD, ang eldest brother nila. Pero babalik daw siya bago ang New Year’s Countdown dahil naipangako na niya iyon sa GMA. Biro pa ni Alden, panata na raw niya iyon dahil simula nang pumasok siya sa showbiz, lagi siyang nasa New Year  Countdown.

Hindi nakalimot si Alden na mag-imbita sa mga televiewers para sa replay ng kanyang very successful concert na Adrenaline Rush na mapapanood sa Sunday, sa SNBO, after ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Andrea two years nang tigang

Two years na raw siyang walang lovelife, sabi ni Andrea Torres nang bumisita kami sa set ng Victor Magtanggol. Biniro pa namin siya na bakit naman ang name niya sa serye ay ‘Sif’ muntik nang maging Sef (Cadayona, ang dati niyang boyfriend)? Ang ‘Sif’ daw ay talagang name ng asawa ni Thor sa Norse mythology. Minsan daw siyang nakipag-date sa isang non-showbiz, pero hindi raw nag-materialized.

Muli ngang nag-renew ng exclusive contract si Andrea sa GMA at wala raw siyang demands na hiningi sa network. Masaya raw siya sa pagtatrabaho niya sa kanila. Hindi raw niya alam kung may kasunod na siyang project after ng VM, pero definitely babalik daw siya sa Bubble Gang kapag natapos na sila.

Queen of Quezon City dedicated sa LGBT

Official nang 24 candidates ang napili para sa susunod na Queen of Quezon City. Nagkaroon na sila ng press presentation last October 9 sa Novotel Manila. Wala si Quezon City Mayor Herbert Bautista, pero naroon si Councilor Mayen Juico na nagsabing patuloy ang Quezon City government sa endeavour nila to spread Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) awareness through the search for the next “Queen of Quezon City” (QQC). Ang pre-pageant ay magaganap sa Monday, October 15 at ang coronation night ay gaganapin sa November 10, at the University Theatre, Diliman, Quezon City.

Ang mapipiling QQC ay tatanggap ng Php 300K at ang mapipiling ‘Lady Equality,” ‘Lady Respect’ at ‘Lady Pride’ ay tatanggap ng Php 100K each.

vuukle comment

VICTOR MAGTANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with