^

Pang Movies

Sharon nag-palpitate sa basher ni Ogie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon nag-palpitate sa basher ni Ogie
Sharon

Pinasalamatan ni Ogie Alcasid si Sharon Cuneta sa pagtatanggol sa kanya mula sa basher na nang-away sa kanya at sinabihan siyang kinaray si Regine Velasquez sa ABS-CBN dahil wala na itong career.

 

Ang tindi ng galit ng basher kay Ogie na mabuti at hindi pumatol at ang reaction lang sa masasakit na salita ng basher ay “God Bless You.”

Si Regine ang sumagot para kay Ogie at ipinagtanggol sila ni Sharon na nag-palpitate sa galit nang mabasa ang panlalait kay Ogie. Tama ang sinabi ni Sharon na manggalaiti man ang basher sa galit, hindi pa rin maaalis na maganda at maligaya pa rin ang buhay nila kumpara sa basher.

Samantala, natutuwa si Sharon na may fan na sila ni Regine na tinawag ang sarili na “reginesharon fan” at nang i-acknowledge ni Sharon, ang sagot ay mahal niya pareho sina Sharon at Regine kaya dadami pa raw sila dahil marami ang nagmamahal sa dalawa.

Samantala, sa concert ni Sharon, nabanggit na may project silang pagsasamahan ni Regine next year. Looking forward ang fans ng dalawa na sana concert ang gagawin nina Sharon at Regine o kaya’y musical show sa TV.

Chynna tuloy sa pangarap na maging CEO

Ipinarating namin kay Chynna Ortaleza ang papuri ng viewers ng Victor Magtanggol sa husay ng acting niya bilang si Lynette na elder sister ni Victor (Alden Richards).

Nagpasalamat si Chynna sa mga nagagalingan sa kanya at maging sa mga netizens na pinupuri siya sa social media. Pinasalamatan din nito si Alden dahil sinasabayan nito ang ibinibigay niyang acting.

Samantala, hindi pa rin nawawala ang dream ni Chynna na maging isang CEO someday at sundan ang yapak ni Ms. Wilma Galvante. Nagbiro itong nag-apply siya ng trabaho sa 7th floor GMA Network at may posisyon na rin siya sa O/C Record nila ng asawang si Kean Cipriano.

Liza nakipag-dinner kay Direk Erik

Ang ganda ng gesture ni Liza Soberano na inimbitahang mag-dinner si director Erik Matti nang hindi matuloy ang kanilang pagtatrabaho. Umatras na kasi si direk Erik na idirehe ang Darna na pagbibidahan ni Liza at pinalitan siya ni Jerrold Tarog.

Noong isang gabi, nag-dinner sina Liza at direk Erik kasama si Dondon Monteverde at si Liza, isinama ang manager na si Ogie Diaz.

Pinost pareho nina Liza at direk Erik ang photos nila sa dinner at ang inilagay na caption ni Liza ay “Thank you so much for everything direk @erikmatti!!! This dinner really meant a lot to me. Still hoping for a future project with you.”

Pati ang fans ni Liza, umaasa pa rin na magkakatrabaho pa rin ni Liza si direk Erik at ang wish ng fans, isang gaya ng BuyBust ni Anne Curtis ang gawing pelikula ni direk Erik para kay Liza.

Thea pinag-aralan ang mga transgender

Humingi ng tips kay Ken Chan si Thea Tolentino kung paano umarteng transgender bilang gumanap nang transgender si Ken sa Destiny Rose. Hindi lang tips ang ibinigay ni Ken, nag-share rin ito ng experiences niya kung paano maging kapani-paniwalang transgender at ‘yun ang mapapanood na acting niya sa Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko.

First time gaganap sa transgender role si Thea, na-excite at kinabahan siya at habang nagda-drive papuntang taping, kinakabahan siya na baka hindi niya magampanan ang role dahil sensitive ang character ni Catriona. At the same time, thankful ito na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang role ni Catriona.

Sa October 22 na ang pilot ng Asawa Ko, Karibal Ko na kung saan, makakaagaw ni Thea kay Rayver Cruz si Kris Bernal.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with