^

Pang Movies

Serye ni Angel buburuhin para sa Ang Probinsyano?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Serye ni Angel buburuhin para sa Ang Probinsyano?!
Angel

Balak ng Kapamilya network na patagalin pa ang action series ni Coco, paano na kaya ang The General’s Daughter ni Angel Locsin na isa ring action series?

 

Matetengga na lang sila?

O baka naman bigla silang ipalabas sa morning slot? O puwede rin sa afternoon?

Ano kaya ang magiging desisyon doon?

Ang alam ko, nakapag-taping na sila bukod pa sa panay raw ang training ni Angel at ng mga kasamahan niya para bongga talaga ang action scenes nila.

Marami nga pala ang natutuwa kapag nagte-training si Angel dahil for sure raw ay makakatulong ‘yon para medyo lumiit na ang aktres.

Pero tama ba ang narinig ko na panay naman ang dala ng pagkain ni Ryza Cenon kapag may schedule sila at enjoy sa pagkain si Angel?

Sa totoo lang, ang hirap din kasing mag-resist sa masasarap na pagkain (believe me, palagi kong nae-experience kaya ang taba-taba ko).

Anyway, sana nga ay maipalabas na ang The General’s Daughter.

Victor Magtanggol paaabutin pa hanggang 2019

Ang tsikang paaabutin pa raw ng 2019 ang airing ng Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards sa GMA 7.

Tama kaya ang desisyon na ‘yon, if ever nga na totoo, kasi obvius na hirap na hirap sa katapat nilang FPJ’s Ang Pro­binsyano sa ABS-CBN na pinagbibidahan naman ni Coco Martin ang fantaseryeng ‘yon ng Kapuso network.

Ang Onanay at Pamilya Roces kasi, kahit mas mataas ang katapat, hindi naman sobra-sobra.

Kumbaga, konti lang talaga ang itinaas ng kanilang katapat, pero iba nga ang istorya ng Victor Magtanggol.

May ibang nagbibiro nga na hindi maipagtanggol ng series ang rating nila against the action series of Coco na mukhang paaabutin pa raw ng four years ng Dos, huh!

Pero, if ever na tapusin na ang series ni Alden, ang Cain At Abel ba nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang itatapat ng Kapuso network sa show ni Coco?

Well...                  

Sandy binebeybi pa rin si Mariel

Kapalitan ko ng private message sa Instagram si Mariel de Leon at ikinuwentong happy sila sa Vietnam cruise nila ng kanyang parents na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Paradise Vietnam ang cruise na ‘yon at along Halong Bay raw sila.

Kasama rin sa cruise ang yaya niya.

Kahit busy rin si Mariel, palagi pa rin niyang nakaka-bonding ang kanyang parents na kagagaling lang sa Busan, South Korea.

Alam n’yo ba na madalas ay binebeybi pa rin si Mariel ni Sandy?

Ang sweet nga ng kulitan nang mag-ina nang nasa flight sila pa-Vietnam.

Kahit sa bahay nila, ganoon din sila.

Hanggang ngayon nga, sa bahay pa rin nila sa BF Homes, Las Piñas nakatira si Mariel at kahit ma-traffic papunta sa Quezon City kapag may trabaho siya ay hindi pa rin daw niya ma-imagine na nakahiwalay siya ng tirahan sa kanyang tatay at nanay (‘yan tawag niya sa kanyang parents).

Mas comfortable nga raw si Mariel na kasama pa rin sa bahay sina Christopher at Sandy.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with