^

Pang Movies

Wild and Free nina Derrick at Sanya tinilian!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Wild and Free nina Derrick at Sanya tinilian!
Sanya Lopez at Derrick Monasterio

Opening today in cinemas nationwide ang sexy-romantic movie na Wild and Free nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio for Regal Entertainment.

Tinilian sa red carpet premiere night ang mga sweet moments nina Ellie (Sanya) at Jake (Derrick) plus ang magaganda nilang locations. Kita ang chemistry ng dalawang Kapuso stars sa first movie nila together at nagawa nila ang mga gustong eksena ni Direk Connie Macatuno.

Thankful naman sina Sanya at Derrick sa mga nanood at inimbita nilang magkita-kita sila sa mga sinehan ngayong Wednesday.

Thea nahihirapan sa pagiging transgender

First time ni Thea Tolentino na gumanap bilang isang transgender sa afternoon prime drama series na Asawa Ko Karibal Ko. Siya rin ang kontrabida sa relasyon nina Kris Bernal as Rachel at ng nagbabalik-Kapuso, ang heartthrob na si Rayver Cruz.

Hindi raw siya tumanggi nang i-offer sa kanya ang role ni Catriona/Venus dahil para sa kanya, bagong phase ito ng acting career niya. Nagkaroon daw siya ng acting workshop kay Anthony Bova, at natutunan niya roon ang depth ng acting.

“Nahirapan po lamang akong baguhin ang boses ko,” sabi ni Thea. “As a transgender, hindi naman mababago ang boses, kaya kailangang pag-aralan ko ang boses ni Jason Abalos na siyang nagpa-facial feminization surgery para maging isa siyang babae. Masakit po sa throat, pero nasasanay-sanay na ako. Siguro kapag nagtuluy-tuloy na ang taping namin, maiiba ko na rin ang boses ko. Sa ngayon po kasi, iyong first two weeks ng serye, si Jason pa ang mapapanood, bago ako.

“Thankful po rin ako kay Ken Chan. Tinuruan niya ako kung paano ang ginawa niya na mabago ang boses niya nang gawin niya ang Destiny Rose. Pina-practice ko po iyon ngayon. Nagpapasalamat din ako kay Direk Mark Sikat dela Cruz sa pagga-guide sa akin sa character ko.”

Ang Asawa Ko Karibal Ko ay mapapanood na simula sa October 22 sa GMA afternoon prime, Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Pamilya Roces inumpisahan na ang riot

Puno na agad ng katatawanan ang pilot episode ng Pamilya Roces at napanood na lahat ang characters na bumubuo sa tatlong pamilya ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon). Ang legal family na sina Gloria Diaz at mga anak na sina Carla Abellana at Gabbi Garcia. Manugang niya si Rocco Nacino na hindi halatang ngayon lamang magko-comedy. Inamin kasi ni Rocco noong presscon na nahirapan siya sa transition from drama to comedy.

Ang nagsimula naman ng gulo ay ang second family na sina Elizabeth Oropesa at Sophie Albert bilang sina Violet at Amber Bolocboc, na hindi matanggap ni Gloria dahil isa lamang itong backup dancer at walang taste sa pananamit. Ang tahimik namang third family ay sina Ana Roces, ang first child niyang si Jasmine Curtis Smith at ang anak nila ni Rodolfo na si Shaira Diaz. Sila ang true love ni Rodolfo.

Napapanood ang Pamilya Roces pagkatapos ng Onanay.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with