^

Pang Movies

Elmo at Janella magkaka-solohan uli sa Canada kasama ang KathNiel!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Elmo at Janella magkaka-solohan uli sa Canada kasama ang KathNiel!
Elmo Magalona at Janella Salvador

Magkaaway pa ba?

May concert tour pala sa Canada ang mag-sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa Calgary ang unang concert nila on November 2 at next day naman ay sa Vancouver at November 10 naman sa Toronta.

One Magical Night 2018 Tour ang title at hulaan mo, Ateng Salve, kung sino pa ang dalawang guests nila bukod kina Wacky Kiray at Negi?

Ang ElNella!

Yes, sina Elmo Magalona at Janella Salvador ang makakasama roon ng KathNiel.

Teka! Okey na kaya ang dalawa na magkasama sa concert tour na ‘yon? Hindi ba sinasabing may problema sila at hiwalay na nga?

Paano kaya ang magiging “eksena” nila sa Ca­nada?

Naku, itatanong ko ‘yon sa mga kaibigan ko na sure na sure raw na manonood sa tatlong concerts na ‘yon sa Canada.

May duet pa kaya ang ElNella?

For sure, na-booked ang concert tour na ‘yon bago pa man ang sinasabing problema sa pagitan nina Elmo at Janella.

Anyway, marami namang ganyan sa showbiz, na kahit may problema pa, the show must go on pa rin.

Saka November 2 pa naman ang start ng concert tour nila sa Canada, who knows at baka maayos na ang sinasabing problema sa pagitan nina Elmo at Janella, hih!

Maganda rin siguro na bago umalis pa-Canada ay malinaw din ng ElNella ang sinasabing problema raw sa pagitan nila.

Agree, Ateng Salve?!

Sandy at Christopher nag-enjoy sa Busan

Dalawa ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa Fili­pino celebrities na nag-attend sa Busan International Film Festival.

Sabi ni Sandy, “Very nice. So organized and people here are very warm and happy.”

Nakabalik na ng bansa ang mag-asawa kahapon.

Pati ang anak ni Mother Lily Monteverde na si Roselle ay nagpunta sa Busan kasama ang direktor nilang si Eric Quizon.          

Jasmine naimpluwensiyahan ni Tom

Kagabi ang pilot telecast ng Pamilya Roces ng GMA 7, kaya marami ang nag-aabang sa ratings ngayong araw na ito.

Ang Halik ang katapat sa ABS-CBN ng Pamilya Roces

Ang Pamilya Roces ang first regular series ni Jasmine Curtis Smith na unang napabalita na magiging Kapamil­ya raw katulad ng ate niyang si Anne Curtis pero mas piniling pumirma sa Kapuso network dahil maraming magandang naririnig tungkol sa nasabing TV network.

Isa si Tom Rodriguez na boyfriend ni Carla Abellana na co-star niya sa Pamilya Roces sa mga nakakuwentuhan ni Jasmine tungkol sa Siyete at na-influence nga siya na pumirma roon.

Sabi ni Jasmine, mababait katrabaho ang mga staff ng Siyete, kaya masaya siya sa taping ng nagsimulang serye.

Eat Bulaga may pasabog!

Dapat tutukan ang Eat Bulaga sa Saturday dahil may mapapanood doon na ikagugulat ng marami.

Ayaw pang magbigay ng clue ng mga taga-Eat Bulaga kung babae o lalaki ba ang mapapanood sa show nila na tiyak na ikaka-surprise ng viewers.

Wow, parang na-excite tuloy ako, Ateng Salve, na tumutok sa Eat Bulaga on Saturday, huh!

vuukle comment

ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with