^

Pang Movies

Aktres na madalas mapagbintangang stage mother, ipinagpapasa-Diyos na lang ang pasaway na anak na maamo ang mukha

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kawawa ang aktres na madalas na pinagbibintangan na stage mother at pakialamera sa career ng anak niya dahil sa tunay na buhay, siya ang mapagbigay at loving na ina.

Maamo ang mukha ng anak ng aktres kaya nakuha niya ang simpatiya ng madlang-bayan. Sa tuwing may isyu tungkol sa mag-ina, ang nanay na madalas na sinisisi at binabatikos ng mga faney.

Ang hindi alam ng fans, ang anak ng pinararatangan na stage mother ang matigas ang ulo at pasaway kaya siya ang palaging nasasangkot sa mga intriga at eskandalo.

Ipinagpapasa-Diyos na lang ng aktres ang mga problema niya sa anak dahil naniniwala siya na sooner or later, magiging mature rin ang pag-iisip ng bagets at magigising ito sa mga katotohanan ng buhay.

Almira proud na proud sa anak

Happiest mother si Almira Muhlach noong Sunday night dahil nanalo ng beauty crown ang kanyang anak na si Alyssa Muhlach.

Proud na proud si Almira dahil sa mahusay na performance ni Alyssa sa question and answer portion ng Miss World Philippines 2018.

Hindi man nakuha ni Alyssa ang Miss World Philippines 2018 crown, siya naman ang official representative ng bansa natin sa Reina Hispanicoamericana 2018 na magaganap sa susunod na buwan sa Sta. Cruz, Bolivia.

“Proud mom to this bright lady whom I call my daughter,” ang sey ni Almira tungkol sa tagumpay ng anak niya na recording star noon at naging mainstay din ng mga programa ng TV5.

Monique hindi pinalad sa korona

Hindi pinalad na manalo sa Miss World Philippines 2018 ang bet ko na si Monique Cuyugan Tuzon, ang television reporter ng Solar Channel pero hindi pa naman katapusan ng pangarap niya na ma­ging beauty queen.

Qualified pa si Monique na mag-join sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon at mangyayari ito kung interesado siya.

Baka nga blessing in disguise na hindi nag-win si Monique sa Miss World Philippines 2018 dahil mas bongga ang naghihintay sa kanya.

Sa totoo lang, magaganda at matatalino ang halos lahat ng mga kandidata sa Miss World Philippines as in kahit sino sa kanila, may karapatan na manalo at i-represent ang bansa natin sa mga international beauty pageant.

May nag-comment nga na mas magaganda ang mga kandidata ng Miss World Philippines kung ikukumpara sa official candidates ng Bb. Pilipinas noong March 2018 at marami ang nag-agree sa obserbasyon niya,

Katarina may mensahe sa kanyang tagumpay

Si Katarina Rodriguez ang nanalo ng Miss World Philippines 2018 crown at isang lengthy post ang inilabas niya kahapon tungkol sa kanyang tagumpay,

It comes my way day to day. I have people telling me to act this way or that way or not post, wear, or do certain things and at one point I got very confused at who I should be.
“Just be yourself, Katarina.” Me to me. The last two years of my life I had the chance to really get to know who I am as a person, as a woman in fact. And in the last 4 days that all seemed to have gone out the window. I was second guessing every breath I was taking because of the pressure.
“Don’t doubt yourself....shake that off,” someone told me. I kept echoing these words in my mind. Staying true to who you are is so important even in a performance like @msworldphil because in a world full of many false things, it’s almost like magic to be something so real.

I made myself a promise that if I was going to win Miss World Philippines, I would win by being me and doing my thing. And I did exact­ly that. To anyone with self doubt, again,
Be who YOU are, the YOU of YOUR soul. With that and kindness you’ll stay golden

vuukle comment

MISS WORLD PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with