^

Pang Movies

Sanya at Derrick naayos ang love scenes sa loob ng kotse at ibabaw ng washing machine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Parehong Kapuso stars sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio kaya naman close na sila at hindi sila tumangging magtambal sa isang sexy romance film, ang Wild and Free ng Regal Entertainment Inc.

Kung dati’y mga wholesome shows ang ginagawa nila, dito sa first movie nila together, tinanggal nila ang hiya-hiya sa sarili at sa isa’t isa. Hindi ba sila nahirapang gampanan ang mga roles nila?

“Ako po naman pinag-aralan kong mabuti ang script at pinaghandaan ko na ang mga dapat kong gagawin,” sabi ni Sanya. “Mahusay pong katambal si Derrick, inalagaan niya ako. Tinatanong muna niya ako kung okey lamang ang gagawin niya, kung pwede raw akong hawakan o kung okey lang ang eksena namin.”

“Ako naman po kasi, ayaw kong ma-misinterpret niya ang gagawin ko nang hindi muna niya alam, gusto ko rin siyang protektahan. Napakaganda po ni Sanya, napaka-sexy kaya kailangang ma-feel ko ang sinasabi ni Direk Connie Macatuno na dapat kong gawin, kasi nga may past na kami.”

“Ako rin po naman kailangang ma-feel ko iyong relasyon namin, yung pagiging wild namin, kaya na-feel ko rin po iyon kahit first time ko lamang ginawa,” dagdag pa ni Sanya.

Ang tinutukoy nina Derrick at Sanya iyong mga love scenes na ginawa nila inside a car at isa above a washing machine.  Sa palagay nila ay nagawa naman nila ito nang tama ayon sa gusto ng kanilang lady director.

Marami nang excited mapanood ang Wild and Free na showing na sa Wednesday, October 1, in cinemas nationwide.

Alden at Maine sabay na humakot ng awards sa Eduk Circle Awards

Congratulations to the phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na AlDub. Pareho silang tumanggap ng awards mula sa Eduk Circle Awards 2018 last Saturday sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City, after ng Eat Bulaga. 

Bukod dito, si Maine ay tumanggap din ng Female Most Influential Celebrity Endorser of the Year, tinanggap din niya ang Best Female Variety Show Host of the Year, habang si Alden naman ay napiling Male Most Influential Endorser of the Year.

Valerie nakikipagsabayan kay Jean

Napaka-intense ng afternoon prime drama series na Ika-5 Utos kaya tutok ang mga netizens sa pagpanood nito Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga. Nakakagalit ang pag-accuse ni Clarisse (Valerie Concepcion) kay Brix (Jeric Gonzales) na siya ang pumatay sa anak niyang si Leo (Kiko Estrada), ganoong wala namang kasalanan si Brix. Guilty ba siya dahil siya ang killer ni Randy (Neal Ryan Sese), ama ni Brix, nang awayin niya ito dahil ayaw pumayag na sumama sa kanya at iwanan na si Eloisa (Jean Garcia), ina ni Brix. Kaya ang tanong kailan malalaman na si Clarisse ang pumatay sa ama ni Brix at paano rin malalaman na hindi si Brix ang killer ni Leo?

In fairness, napakahusay ni Valerie na nakiki­pagsabayan kay Jean.

vuukle comment

WASHING MACHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with