^

Pang Movies

Carlo at Angelica nakahanapng tamang formula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Carlo at Angelica nakahanapng tamang formula!
CarGel

Ayon sa kanilang pralala, kumita ang pelikula nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban nang dalawandaang milyon sa isang linggo. Masasabi nga nating kumikita talaga ang pelikula dahil sa sunud-sunod na kita nito, lalo na’t kung iisipin na hindi naman kamahalan ang cost of production ng pelikulang iyan, bawi na sila.

Huwag naman kayong mag-ambisyong maitutumba ng pelikulang iyan ang kinita ng pelikula ng KathNiel, na akala mo ay premyo sa lotto na hindi matamaan. Iyong ganoong pelikula ay parang halos suntok nga sa buwan eh. Hindi mo masasabing makakagawa ka pa ulit ng pelikulang kikita nang ganoon. Iwanan na natin sa kanila ang pagiging all time top grosser. Ang maganda nga lang kumita rin ang kasunod nilang pelikula. Kaya nga sabi sa amin ng isang insider, “magkakaroon kami ng bonus sa Pasko”.

Halos nawalan nga daw sila ng pag-asa noong una nang sabihin sa kanilang “mahigit anim na raang milyon ang kailangang mabawi ng kum­panya”. May mga pelikula rin silang nalugi, at alam namin kung anu-anong mga pelikula iyon, pero ang nabanggit lang ng aming source ay ang pelikula nilang Kusina Kings, na talaga namang naghilahod sa takilya.

Nakakatuwa na ang mga batang artista ay sinusuportahan ng mga tao sa kanilang mga pelikula. Halimbawa iyong pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na alam naman nating sa talent fee lang ng dalawang artista ay malaki na ang puhunan, ang huling pralala nila na natatandaan namin ay kumita diumano iyon ng 152 million din. Hindi na kami nagkaroon ng interest na tanungin ang nasa side ng theaters tungkol sa talagang kita ng pelikula.

Ibig sabihin, ang mga tao sa ngayon ay naghahanap na nga ng bagong formula sa pelikula. Talagang nakabaling na sila sa mga bagong artista. Alam na rin natin more or less kung anong klaseng pelikula at kung sino mga artista ang kumikita. Palagay namin dapat sabayan na lang muna iyan ng industriya kung gusto talaga nilang makabangon na nga ito.

Hiwalayang Romnick at Harlene, katigasan ng ulo ang dahilan

Inirerespeto namin ang kahilingan ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na bigyan sila ng privacy, alang-alang sa kanilang mga anak, matapos na sila ay maghiwalay. Naalala lang naming kahapon sa simbahan ay mukhang tugmang-tugma ang ebanghelyong binasa dahil tungkol iyon sa diborsiyo at paghihiwalay ng mag-asawa.

Una naming narinig ang tungkol sa hiwalayang iyan na may magtanong sa amin kung hiwalay na nga ba ang dalawa, doon iyon sa wake ng tatay ng aming kasamahan at kaibigang si Ian Fariñas. Nagkatinginan lang kami dahil wala namang balita nang hiwalayan, pero totoo na nga pala.

Ayaw naming ha­­lung­­katin pa ang mga dahilan. Sana nga lang, maging maligaya na sila sa kanilang buhay matapos na sila ay maghiwalay. Sana nga lang, ang paghihiwalay nila ay hindi kagaya ng sinasabi sa ebanghelyo sa misa kahapon na nagsasabing ang dahilan ng paghihiwalay ay “ang katigasan ng inyong mga ulo”.

As expected, aktor na bagong lipat kinaiinggitan

Sinasabi ko na, marami na naman ang tatamaan ng insecurity sa isang network, matapos na lumipat doon ang isang guwapong actor, na kagaya nang inaasahan ay binigyan agad at bida sa isang serye. Marami sa kanilang mga talents ang naka-tengga. Pero hindi mo masisisi ang network. Negosyo iyan eh, natural kung saan nila inaakala na kikita sila, doon na muna sila. Iyan namang mga naka-tenggang iyan nagkaroon na rin ng pagkakataon eh, pero masama ang resulta. Bakit hindi nila subukang lumipat din ng network, baka naman doon sila suwertihin?

 

 

vuukle comment

CARLO AT ANGELICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with