^

Pang Movies

Aktor na jobless, pinoproblema ang pagkain sa araw-araw

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kawawa ang aktor na walang regular show kaya umaasa muna siya sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Wish ko lang, mabigyan ng regular show sa TV ang aktor para maka-survive siya sa araw-araw na pamumuhay.

Mabigat para sa kanya ang monthly rental sa bahay na tinutuluyan dahil pinoproblema rin niya ang pagkain sa araw-araw. Dagdag-stress din sa aktor ang pambayad ng kuryente at tubig.

Actually, mayaman ang estranged father ng aktor pero wala silang communication. Sana nga, ma-locate na ng aktor ang kanyang rich father dahil sure na makakatulong ito para guminhawa ang buhay niya at kapag nangyari ito, puwedeng-puwede na siya na mamuhay ng komportable, forever and ever.

Walang karanasan sa kamunduhan ni Sanya, waging-wagi

Patok na patok ang publicity ng Wild & Free dahil sa pag-amin ni Sanya Lopez na wala pa itong karanasan sa kamunduhan.

Siyempre, nagkaroon ng interes ang mga mhin na panoorin ang launching movie ni Sanya na showing sa mga sinehan sa October 10 dahil gusto nila na makita kung paano ginawa ng isang babae na walang karanasan ang mga intimate scene nila ni Derrick Monasterio sa Wild & Free.

Kung karangalan para sa mga babae na virgin pa sila sa edad na 22, kabaligtaran ito sa mga lalake.

May mga mhin na naniniwala na kahihiyan para sa kanila kung twenty plus na ang edad nila pero walang experience sa opposite sex.

Si Roselle Monteverde ang punong-abala sa promo at publicity ng Wild & Free na bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc.

Out of the country si Roselle dahil nagbakasyon ito sa Seoul kasama ang mga non-showbiz friend niya.

From Seoul, lumipad si Roselle sa Busan dahil dumalo siya sa 2018 Busan International Film Festival na pinuntahan din ng mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon.

Kahit nasa ibang bansa si Roselle, nakatutok siya sa promo ng Wild & Free. Thanks to social media, updated si Roselle sa mga publicity at promo guestings nina Sanya at Derrick.

James araw-araw sa gym

Halos araw-araw na nagpupunta sa gym si James Reid kaya kitang-kita na ang resulta ng mga pagpapagod niya para maging physically fit.

Masipag si James na mag-exercise dahil it’s a must na nakakundisyon ang katawan niya kapag nagsimula na ang shooting ng Pedro Penduko: The  Legend Begins.

Kinakarir ni James ang pagpapaganda ng katawan dahil malaking karangalan na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films ang pagbibida sa Pedro Penduko, isa sa mga sikat na Pinoy folk hero na ginampanan din nina Efren Reyes, Ramon Zamora at Janno Gibbs sa pelikula.

Veteran director nadiskubre ang mga anomalya

Hindi ako naniniwala na matutuloy ang movie project ng veteran director para sa isang movie company.

Paano mangyayari ‘yon eh natsugi nga ang direktor sa another project ng film outfit dahil sa mga anomalya na natuklasan ng movie producer.

Hindi ko na ikukuwento ang kumpletong detalye pero may kinalaman sa datung ang isyu. Sayang na sayang dahil sinira ng direktor ang malaking tiwala sa kanya ng produ na mabait at very generous sa lahat ng mga nakakatrabaho niya.

vuukle comment

JOBLESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with