Ces at Marie wasak-wasak na sa bashers
Bago pa nagbigay si Ces Drilon tungkol sa libel case na isinampa ni Gretchen Fullido laban sa kanya, pinutakti na agad siya ng mga basher.
Mali ang ginawang paghuhusga kay Ces ng mga nakikisimpatiya kay Gretchen dahil importante na marinig din ang paliwanag niya. Dalawa sila ni Marie Lozano na inookray ng bashers dahil idinemanda rin ni Gretchen ng libel ang kanyang fellow ABS-CBN reporter.
Kahapon nang umaga, naglabas si Ces ng official statement tungkol sa pasabog na isyu ni Gretchen pero hindi pa rin makumbinsi ang mga basher na happiness na ang manlait at maghusga ng kapwa.
Dapat maghinay-hinay ang mga basher dahil hindi naman nila alam ang puno’t dulo ng kuwento at higit sa lahat, hindi tama na nakikisawsaw sa mga isyu na wala silang direkta na kinalaman.
Nakasampa na ang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office kaya ipaubaya na nila sa mga kinauukulan ang pagpapasya. Sa ngalan ng patas na pamamahayag, ito ang full statement ni Ces tungkol sa masakit na paratang sa kanya ni Gretchen.
It pains me to have to issue this statement because women should support each other especially in an issue like sexual harassment.
Throughout my life, I have been an advocate of women’s rights and women’s empowerment. As a victim of sexual harassment once before, it is unthinkable for me to say what Gretchen Fullido alleges I did.
I encourage and support women to exercise their rights to come out with truthful stories of harassment and abuse and I would never belittle any such move.
I was asked to testify in an internal, confidential investigation into Gretchen’s allegations and some of what I said during the investigation has been distorted.
I reserve the right to consider legal proceedings against these false allegations and attack on my reputation. Again I would never belittle any woman coming out to speak of any abuse committed against her. It is against everything I stand for as a woman.
Nakapaglabas na si Ces ng official statement at tanging siya lang ang makakapagdesisyon kung sasampahan din niya ng kaso si Gretchen.
Ang statement na lang ni Marie Lozano ang inaabangan ng publiko dahil idinemanda rin siya ni Gretchen ng libel.
Very prim and proper si Marie. Isa siya sa mga fashionista at lovable na showbiz news reporter ng Kapamilya Network kaya marami ang hindi makapaniwala na capable siya na magsalita nang masakit laban kay Gretchen.
- Latest