^

Pang Movies

Pagtaba ni Angel pinagtanggol ng fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pagtaba ni Angel pinagtanggol ng fans
Angel

Pati sina Angel Locsin at Neil Arce ay nababalitang break na raw dahil wala nang nakikitang post ng pictures ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts.

 

Lalo pang nag-isip ang followers ng dalawa na hiwalay na sila nang dumalo si Angel sa ABS-CBN Ball nang mag-isa at walang kasama.

 

Kanya-kanyang post ang fans ng naiisip nilang rason kung bakit wala ng sightings kina Angel at Neil, sa socmed man at sa personal. Wala nang nababasang post na nakita sila na nagde-date, kaya ‘yung bashers ng dalawa, lalo na ni Angel, nagdidiwang.

Mabuti na lang at na-interview si Angel ni MJ Felipe sa ABS-CBN Ball at nabanggit na okay lang sa kanya na wala siyang date sa ball. Sabi rin ni Angel, nasa Makati Shangri-La si Neil, venue ng ball at hinihintay lang siya na matapos ang ball at sabay na silang uuwi. Ang sabi bawal kasi ang may escort sa nasabing Ball.

Ipinagtanggol din pala si Angel ng kanyang fans sa nam-bash sa aktres na malusog siya ngayon at kita ito sa suot niyang gown. Sabi ng supporters ni Angel, voluptuous lang ang aktres at hindi siya mataba.

AiAi nagoyo ng travel agency

Ang simpleng sagot ni AiAi delas Alas na “merong season 2 sa 2019” sa comment ng netizen na maganda ang The Clash dahil hindi sa text votes pinili ang winners. Wala rin daw tapon sa contestants at kahit may hindi pabor sa pagkakapanalo ni Golden Cañedo, masaya pa rin sila sa kinalabasan ng singing competition ng GMA-7.

Pero baka maaga pa para sa audition kung next year pa ang season 2 at saka, maghahanap pa siguro ang GMA-7 nang ipapalit kay Regine Velasquez na host dahil sa balitang lilipat na sa ABS-CBN si Regine.

Samantala, pinainit ng ESG Leisure Travel Agency ang ulo ni AiAi na ‘yung binayarang business class ticket ng husband nitong si Gerald Sibayan para sumunod sa kanya sa Los Angeles ay pinalitan ng economy ticket. Tama lang na mag-rant sa social media si AiAi sa ginawa sa kanya.

Ang nakakaloka lang ay ‘user not found’ na ang Instagram (IG) account ng travel agency.

Shaira hindi na takot sa galit ni Direk Joel

Ang Pamilya Roces ang first regular soap ni Shaira Diaz sa five-year contract na pinirmahan sa GMA-7 at masaya si Shaira na maging part ng dramedy na magpa-pilot na sa Monday, October 8, pagkatapos ng Onanay. Binabasa pa lang niya ang script, natawa na siya at nang mag-taping na, lalo pa siyang natawa.

Hindi na nataranta kay direk Joel Lamangan si Shaira dahil naging director niya ito sa Madam Chairman sa TV5. Para hindi makagalitan, dumadating siya sa taping na handa na at ginagalingan ang acting.

Sabi pala ni Shaira, matagal na silang break ni Edgar Allan Guzman, pero bakit may mga reporter na hindi naniniwalang hiwalay na sila?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with