^

Pang Movies

Mika ‘di pa alam kung sasagutin si Nash

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mika �di pa alam kung sasagutin si Nash
Mika dela Cruz

Hindi pala si Sharlene San Pedro ang nililigawan ni Nash Aguas na siyang partner niya sa bagong horror movie nilang Class of 2018, kung hindi si Mika dela Cruz.

Si Mika ay dating fellow Kapamilya nina Nash at Sharlene pero contract talent na ngayon ng Kapuso Network. Kasama siya ngayon sa bagong serye ng GMA-7, ang Pamilya Roces na pinagbibidahan nina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa at Roi Vinzon.

Bagama’t hanga raw siya kay Nash na sa edad na 19 pa lang ay marami nang na-accomplished, ‘di pa raw niya masabi kung sasagutin na ba niya ito. Parehong nag-umpisa bilang childstar sina Mika at Nash at napag-alaman din namin, ayon kay Mika na marami na palang small business itong si Nash. Nagdirek na rin daw ito ng small features sa TV.

Determinado rin daw ito na tapusin ang kanyang Business Administration course, no matter what.

“Ini-encourage kasi siya ng kanyang mother to do well, tulad ko,” susog pa ni Mika.

“Isa pa, idol ko ang aking Ate (Angelika dela Cruz). Kapitana siya ng aming Barangay (Longos in Malabon).

“I will not be surprised kung tumakbo siya for a higher office in Malabon,” patuloy pa ni Mika. “Yes, ngayong May 2019 elections.”

Albert kuntento na sa mga anak at apo

Todo ang pasasalamat ni Albert Martinez sa Diyos dahil busy siya ngayon sa mga project.

He is currently starring in two teleserye, both produced by Deo Edrinal’s Dreamscape Entertainment Television Productions, ang Kadenang Ginto and The General’s Daughter.

Bukod pa rito, kasama rin siya sa cast ng showing na ngayong pelikulang Tres na pinagbibidahan nina Bryan, Jolo at Luigi Revilla, ang mga anak ni former Sen. Bong Revilla Jr.

Virgo, Amats at 72 Hours ang episode ng Revilla brothers at sa 72 Hours mapapanood si Albert.

Samantala, ang serye naman niyang Kadenang Ginto ay eere na sa Monday sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, mula ito sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Kasama niya ang dalawa sa mahuhusay na aktres na sina Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Others in the cast of Kadenang Ginto are Andrea Brillantes, Adrian Alandy, Eula Valdez, Ronnie Lazaro, Nikko Natividad at marami pang iba.

Sa The General’s Daughter naman ay gaganap siya bilang tatay ni Angel Locsin.

Tatlong taon nang biyudo si Albert, at marami ang nagtatanong sa kanya kung may balak pa ba ulit siyang mag-asawa pagkatapos pumanaw ng kanyang asawang si Liezl. Well, ang maliksing sagot ni Albert, he is ultra happy playing Dad to his and Liezl’s three children, Alyanna, Alfonso at Alyzza.

Happier daw siya lalo bilang Lolo to Alyanna’s one year old daughter, Adelyn Riley. Alyanna is married to a photographer and lives in the U.S.

vuukle comment

MIKA DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with