^

Pang Movies

Jasmine naka-dalawang best supporting actress na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jasmine naka-dalawang best supporting actress na
Jasmine Curtis-Smith

Kahit na parating bina-bash sa social media ang nakakabatang ka­patid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith, nagkaroon naman daw ng magandang blessing ang pagiging cool ng bagong Kapuso actress dahil sa pagkapanalo niya bilang best supporting actress sa nakaraang Film Academy of the Philippines Awards kung saan nanalo si Jasmine sa performance niya sa pelikulang Siargao.

Nag-post nga si Jasmine noong nakaraang Sunday ng photo ng kanyang Luna trophy at ang card kung saan nakalagay ang pangalan niya bilang winner.

Ito ang second award ni Jasmine para sa pelikulang Siargao. Una siyang nanalo bilang best supporting actress sa Metro Manila Film Festival 2017.

Mapapanood si Jasmine sa kauna-unahang teleserye niya with GMA 7 na Pamilya Roces.

Lauren todo post ng picture nila ni Chae Soo-Bin

Super-proud ang Kapuso actress na si Lauren Young sa kanyang selfie kasama ang South Korean actress na si Chae Soo-Bin na nakasama niya sa bagong Koreanovela na Where Stars Land.

Nag-premiere sa South Korea noong nakaraang October 1 ang Where Stars Land at nagkaroon ng guest role si Lauren sa naturang K-Drama na i-eere sa October 9.

Lumipad si Lauren for South Korea noong September 14 pagkatapos siyang mapili sa maraming nag-audition para sa Where Stars Land.

Nagpadala ng audition tape si Lauren at natuwa ito nang mapili siya.

Noong nasa South Korea na siya, nagbiro siya na gusto niyang maging isang K-Pop star, pero nandoon siya para mag-taping na for the said K-Drama.

Bago siya umuwi ng Pilipinas, nag-post siya sa Instagram ng kanyang selfie with Chae Soo-Bin at nagkuwento siya ng experience niyang magtrabaho sa K-Drama.

“Couldn’t leave Korea without a photo with Chae Soo-Bin!  Had fun taping for the upcoming K Drama:#WhereStarsLand! It was such a surreal experience working in a different country and even with the language barrier we had such a smooth and calm working environment. I can’t believe that this happened!!!!!!! Our episode airs on October 9!!!”

Ben Affleck may kapalit na sa Batman

Pagkatapos bumitiw ni Henry Cavil sa pagganap bilang Superman sa mga future DC films, si Ben Affleck naman ay hindi na rin lalabas bilang Batman.

Hindi na raw si Ben ang lalabas bilang ang Caped Crusader sa stand-alone DC movie na The Batman.

Malaki raw ang kinalaman ng mga personal na problema ni Ben sa pag-exit niya bilang si Batman.

Ngayon ay interesado ang Emmy Award winning actor na si Jon Hamm sa Batman. Inamin ng 47-year old Mad Men actor na isa siyang huge comic book fan noong bata pa at isang dream come true daw kung gaganap siya bilang Batman. Pero wala naman daw pormal na offer kay Jon.

vuukle comment

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with