^

Pang Movies

Guwapong aktor gusto nang kumawala sa kontrata

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagpapa-release raw ang aktor na ito sa network kung saan siya nakakontrata. Tatapusin lang daw nito ang show na kasama siya at lilipat na sa kabilang network.

Ang makakapigil lang sa aktor na ‘wag tuluyang lumipat ay kung mapagbibigyan ang request na bigyan siya ng co-manager para dalawa ang mag-aalaga sa career niya.

Sana, pagbigyan ng network na magkaroon ng co-manager ang aktor at hindi hayaan ng network na umalis ito sa kanila dahil magaling ito at guwapo.

Right project, right role at break lang ang kailangan nito para bumilis ang takbo ng career.

Carmina ipapalit sa sarap... ni Regine

Ayaw pang mag-comment ng mga bossing ng GMA 7 na si Carmina Villarroel ang papalit kay Regine Velasquez sa cooking/musical show na Sarap Diva. Magiging Sarap Di Ba? na rin daw ang title ng show.

Ang isa pang balita, hindi solo ni Carmina ang mag-host ng Sarap Di Ba?  dahil ang sabi, makakasama niya ang kambal nilang anak ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Kung totoong kasama nga kambal sa Sarap Di Ba?, ibig pa ring sabihin, dalawa na ang magiging regular shows ng Legaspi twins dahil kasama rin sila sa musical-variety show na Studio 7. Sa October 14, na ang pilot ng Studio 7.

Jasmine nasasakyan ang trip ni Direk Joel

Mahusay na artista si Jasmine Curtis at aminado itong drama ang strength niya, kaya drama project ang hiningi niya sa GMA Network nang pumirma siya ng kontrata. Ibinigay ng network ang request niya at isinama siya sa cast ng dramedy na Pamilya Roces.

Hinihintay na nga ng fans si Jasmine sa Pamilya Roces na mapapanood na sa October 8, after Onanay.

First time makatrabaho ni Jasmine si director Joel Lamangan at plus factor ito sa kanya dahil kilala niyang mahusay na director ito. Nasasakyan niya ang vision nito, kaya magkasundo sila. Masaya nitong ibinalita na hindi pa siya napagalitan ng direktor.

Pinas, country of focus sa Busan Filmfest

Nakita namin si Aiza Seguerra sa send off presscon ng Film Development Council of the Philippines para sa in-announce na ang Pilipinas ang Country of Focus of the 23rd Busan International Film Festival.  

Maraming activities at events ang mangyayari during the festival na ang Philippine delegation ay pangungunahan ng FDCP and its chair Liza Diño-Seguerra.

Ipinaalam ni FDCP Chair Liza na 10 Filipino classics in Retrospective.

Entitled Cinema as a Response to the Nation, the lineup includes A Portrait of the Artist as Filipino directed by Lambeto V. Avellana (1965), Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? directed by Eddie Romero (1976), Tatlong Taong Walang Diyos directed by Mario O’ Hara (1976), Ang Panday directed by Fernando Poe, Jr. (1980), Cain at Abel directed by Lino Brocka (1982).

Kasama rin ang Moral directed by Marilou Diaz-Abaya (1982), Himala directed by Ismael Bernal (1982), Bayaning 3rd World directed by Mike De Leon (2000), Dekada ’70 directed by Chito S. Roño (2002) at Ang Damgo ni Eleuteria directed by Remton Siega Zuasola (2010).

Ang 23rd Busan International Film Festival magsisimula sa October 4 hanggang 13, 2018 sa Busan, South Korea.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with