^

Pang Movies

Aktres na may teleserye sa isang TV network hinahanapan ng kapalit dahil sa kakaibang ugali

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Mawawala nga kaya sa isang existing teleserye ng isang top TV network ang isang aktres na sinasabing mahirap katrabaho?

Sa ngayon kasi, nagka-casting ang teleseryeng ‘yon para sa isang bagong character na makakalaban daw ng isa pang aktres na kasama sa palabas.

Tsutsugihin nga kaya talaga ang aktres na sinasabing may ginawa raw sa isang veteran actress na kasama rin sa teleseryeng ‘yon?

Well...

Kelley mangiyak-ngiyak nang maalala ang relasyon nila ni Inigo

Sa presscon kahapon ng animé series na Barangay 143 ay tinanong ko ang GMA-7 star na si Kelley Day tungkol sa pagiging exclusively dating nila noon ng anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual at hindi naman niya ikinaila ‘yon.

Bago kasi napunta sa Kapuso network, nag-ABS-CBN muna si Kelley.

Sabi niya, na-busy raw kasi noon si Inigo sa album nito, kaya naging madalang ang pagde-date nila.

Wala naman daw samahan ng loob sa pagitan at okey naman silang dalawa.

Pero napansin ko na teary-eyed si Kelley habang nagpapaliwanag kung bakit nalayo sila sa isa’t isa ng anak ni Piolo.

Anyway, masaya si Kelley na napili siya na mag-voice sa isa sa main characters sa Barangay 143 na magpa-pilot te­lecast na sa Siyete on October 21 at 10:00AM.

Kasama rin sa Barangay 143 sina Migo Adecer, Ruru Madrid at Julie Anne San Jose.

Aiko pumayat pa nang ma-in love

Nasa restaurant din si Aiko Melendez kung saan nag-presscon ang Barangay 143.

In fairness, mukhang pumapayat na si Aiko.

Blooming din siya at obvious na sobrang inlove sa boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

In fairness to Aiko, siya pa ang tumayo’t lumapit sa akin nang makita niya ako.

Kabaliktaran si Aiko ng ibang mga artista na kapag hindi ikaw ang unang babati ay magkukunwaring hindi ka nakita.

Alyssa at Chanel malabong makoronahan na Miss World

Maraming suppporters si Alyssa Muhlach Alvarez noong Miss World Philippines 2018 gala night na ginanap sa Marriott Grand Ballroom. Kapag lumalabas siya sa stage, marami ang naghihiyawan.

Pati ang dating TV5 talent na si Chanel Morales ay marami ring supporters. Pero medyo chubby pa rin si Chanel.

Kaya lang feel ko, makakuha man sila ng title sa Miss World Philippines 2018 grand coronation night sa Sunday ay hindi isa sa kanila ang makokoronahan at magiging official entry sa Miss World 2018.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with