^

Pang Movies

Rhian at Jolo todo ang ‘sweet moments’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rhian at Jolo todo ang �sweet moments�
Rhian Ramos at Jolo Revilla

Happy birthday today kay Rhian Ramos. Masaya si Rhian dahil kasabay ng birthday niya ang opening ng movie nilang Tres, ang trilogy movie na bawat episode ay ginampanan ng magkakapatid na Revilla, si Bryan sa Virgo, si Jolo sa 72Hours at si Luigi, Amats, mula sa nagbabalik na Imus Productions.

Si Rhian ang leading lady ni Jolo at sa mga nakapanood na noong premiere night last Sunday ng movie, may sweet moments daw sina Jolo at Rhian, kaya na­ging tuksuhan after the premiere night na bagay sila.

Si Jolo, hindi raw maaalis na ganoon ang isipin dahil pareho naman silang single ni Rhian. Pero pareho nga silang kahihiwalay pa lamang ni Rhian, basta ngayon may maganding friendship na nabuo sa kanila habang ginagawa nila ang movie under the direction of Dondon Santos.

Si Rhian, dahil birthday nga raw niya ngayon, sana ay maging birthday gift na sa kanya na panoorin ang movie nila na showing na in cinemas nationwide starting today. Produced by Imus Productions and released by Star Cinema.

Janine sinorpresa ni Rayver at ng pamilya

Kahapon naman, October 2, nag-celebrate ng kanyang birthday si Janine Gutierrez. May taping siya ng action-drama-fantasy series nila ni Alden Richards na Victor Magtanggol last Monday.

Maaga siyang na-pack-up kaya mas maaga siyang nakauwi. Nagulat siya nang pagdating sa kanyang condominium unit, may surprise palang birthday salubong sa kanya ang mga kapatid na sina Jessica, Diego, Maxine at siyempre ang kanyang Mommy, si Lotlot de Leon.

Pero may special guest na sumalubong din sa birthday ni Janine, ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz. Naku, wala pa rin daw pag-amin ang dalawa sabi ng katotong Rommel Gonzales na malapit sa pamilya Gutierrez. Basta special at closed friends daw lamang silang dalawa.

Regine may mensahe sa mga nangnenega

Maybe nakaalis na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid for her US Concert tour, kasama ang hubby niyang si Ogie Alcasid na kanyang special guest sa concert (wala pa kaming alam kung nakaalis na siya habang sinusulat namin ito).

They will be away for 15 days. Pero bago umalis, nag-post pa si Regine sa kanyang Instagram ng two words, “Be kind.” Sabi niya, “it’s free and it’s not going to kill you so again be kind. Have a great afternoon. God bless po.” Nag-post naman si Ogie ng “I love you @reginevalcasid”

Malamang na sagot ni Regine ito sa mga messages na natatanggap niya sa balitang paglipat niya sa ABS-CBN.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with