^

Pang Movies

Carla nganga pa rin sa proposal ni Tom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla nganga pa rin sa proposal ni Tom
Tom at Carla

Inamin ni Carla Abellana na napi-pressure siya dahil siya na lang sa friends niya at college barkada ang wala pang asawa.

“Four years na ang relationship namin ni Tom (Rodriguez), pero wala pa siyang proposal. I can speak for myself, okay lang na wala pa kaming balak magpakasal. Ngayon lang uli ako nagkaroon ng regular soap at focus ako sa franchise ko ng Posh Nails. Naiintindihan ko rin na kailangan muna naming mag-ipon bago kami magpakasal ni Tom,” sabi ni Carla.

Ang bagong soap na tinutukoy ni Carla ay ang dramedy na Pamilya Roces na magsisimula ang airing sa October 8. Nakaka-relate si Carla sa  story tungkol sa padre de familia na may three families dahil ang ama niyang si Rey Abellana, tatlo ang pamilya.

Naaliw nga kami kay Carla dahil alam ang pangalan ng half siblings niya kay Rey at ipinagmalaking, magkakabati sila at maayos ang samahan. Hindi gaya sa Pamilya Roces na magkakaaway ang magkakapatid na Roces.

Sharon sobra-sobra ang pagod sa concert

Nanakit ang katawan ni Sharon Cuneta after her sold out concert last September 28, kaya hindi na siya nakadalo sa ABS-CBN Ball 2018 kahit may gown nang nakahanda. Na-post nito na pati ang glam team niya, handa na, pero dahil nanakit ang buong katawan at hindi siya makalakad, hindi na lang siya dumalo sa ABS-CBN Ball.

Umaasa si Sharon na by now, okay na siya dahil magsisimula na ang ratsadang shooting nila ni Richard Gomez ng Star Cinema movie na Three Words to Forever. May eksena pa silang kukunan sa Ormoc City dahil hindi pwedeng magtagal na wala sa Ormoc si Richard, kaya ang Star Cinema at si Sharon ang pupunta sa Ormoc.

Marami ang nagre-request na magkaroon ng repeat ang concert si Mega na My 40 Years  at marami rin ang request na magkaroon ng US Tour at provincial tour ang concert, tinatanong ni Sharon ang kanyang followers kung payag sila sa repeat.

Samantala, ang ganda ng message ni KC Concepcion kay Sharon at sa duet nilang If I Could. Part ng message ni KC: “I claim my position as your eldest child, with pride and joy no matter what that You are my Mother. I will always love and admire you in ways the rest of your audience will never know, nor see. I have learned about life and passion just watching you live out yours. Congratulations on your 40 years as a true LEGEND and ICON in this country. I love you.”

Elnella fans wala pa ring tigil ang away

Nag-aaway-away ang fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil may kampi kay Elmo at may kampi kay Janella. Hindi naniniwala ang maka-Elmo na kaya nitong saktan si Janella.

Sabi naman ng fans na Janella, sa pananahimik ni Elmo pagkatapos maglabasan ang isyu sa kanila ni Janella, ibig sabihin, totoo ang mga balita.

Dagdag pa ng fans na mas pabor kay Janella, ang absence ni Elmo sa ABS-CBN Ball 2018 at hayaang dumalo si Janella sa event na walang escort ay isa pang patunay na something is wrong between them.

Wala pang nagsasalita kina Elmo at Janella kung totoo ang tsikang break na sila. Sa bagay, never naman nilang inaming naging sila, paano sila magbi-break?

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with