^

Pang Movies

Nadine umaapaw ang sensuality sa daring gown

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nadine umaapaw ang sensuality sa daring gown
Nadine Lustre at James Reid

Mga invited guest sa ABS-CBN Ball sina Nadine Lustre at James Reid at sa dami ng mga sikat na artista na dumalo sa star-studded event, isa lang sila sa dalawang popular loveteams na nag-trending sa social media.

Ganyan kasikat ang JaDine loveteam na never na pinabayaan ng fans nila.

Seksing-seksi si Nadine sa kanyang daring gown na creation ng Dubai-based fashion designer. Hindi lang ang fans ang pumupuri sa stunning look ni Nadine dahil pantasya rin siya ng mga mhin na napapabuntong-hininga sa kanyang umaapaw na sensuality nang rumampa sila sa red carpet ng boyfriend niyang si James.

Ilang fashion victim wagas ang inabot na panlalait

Kawawa ang aktres na dumalo sa ABS-CBN Ball dahil wagas ang panglalait sa kanya ng mga fashion expert at ng ordinary Filipino citizens.

Feeling sexy pa naman ang aktres nang rumampa sa red carpet pero walang pumuri sa katawan at outfit niya dahil tumaba siya.

Nagkakaisa ang lahat sa opinyon na fashion victim, nag-mature ang mukha at losyang na losyang ang aktres dahil sa gown na ipinasuot sa kanya ng stylist niya.

Active sa social media ang aktres kaya imposible na hindi niya alam ang negative comments nang dumalo siya sa ABS-CBN Ball.

Kung maiimbitahan uli ang aktres sa susunod na taon, puwede pa na bumawi siya na parang imposible na mangyari dahil mula pa noong nagsimula ang showbiz career niya, hindi nawawala ang kanyang pangalan sa listahan ng worst dressed celebrities.

Amy first time sa ball

First time ni Amy Austria na dumalo sa ABS-CBN Ball at nag-enjoy siya sa karanasan niya.

Cast member si Amy ng Halik kaya imbitado siya sa biggest party ever ng Kapamilya Network.

May make up man o wala, gandang-ganda ang lahat kay Amy na isa sa mga aktres sa Philippine showbiz na hindi nagkakaedad ang mukha.

Hindi nga napigilan ni Lorna Tolentino na mag-komento ng “Hayy, saksakan ng ganda!” nang makita niya ang so stunning Instagram picture ng BFF niya.

Hindi lang magkaibigan ang trato nina LT at Amy sa isa’t-isa dahil parang magkapatid na sila. Subok na subok na ng panahon ang friendship nila.

Timeless beauty ang tawag kay Amy dahil mas maganda ito ngayon kesa noong bagets pa siya. Ako ang isa sa mga makapagpapatunay na walang niretoke sa mukha ni Amy na Pinay na Pinay ang kagandahan.

Xian at Marco pareho ang kapalaran

Si Xian Lim ang escort sa ABS-CBN Ball ng kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu.

Kahit hindi na contract star ng Star Magic si Xian, invited pa rin siya sa annual ball ng Kapa­milya Network.

Maayos naman ang pagpapaalam at pag-alis ni Xian sa Star Magic noong January 2018 kaya walang bad blood sa pagitan nila.

Wala silang ipinagkaiba ni Marco Gumabao na umalis sa Star Magic noong September 2017 at lumipat sa Viva Artists Agency.

Naimbitahan pa rin si Marco sa ABS-CBN Ball noong nakaraang taon, kahit kalilipat pa lang niya sa talent management agency ng Viva Films.

Nabigyan pa siya ng regular show sa Kapa­milya Network, ang Los Bastardos.

Sa presscon noon ng Para sa Broken Hearted, nagpasalamat si Marco sa ABS-CBN dahil sa television project na ipinagkatiwala sa kanya. Ang Para sa Broken Hearted ang second movie ni Marco sa bagong mother studio niya.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with