^

Pang Movies

Dating sexy comedienne, itinodo ang unlimited alak sa ball

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Super bangag tuloy

Alam mo, Ateng Salve, ang ABS-CBN Ball ang pinag-uusapan ng lahat ngayon.

Star-studded nga naman ang nasabing event ng Kapamilya network.

May ilang um-attend ang nakapansin sa isang dating sexy comedienne na may asawa’t anak na dahil mukhang itinodo niya ang pag-inom, kaya naman lasing na lasing siya.

Sobrang in-enjoy nga ni dating sexy comedienne ang over flowing alcohols, kaya naman lasing-lasi­ngan siya, huh!

Ang maganda, inalalayan ng isang TV host/actress na misis ng isang action star si dating sexy comedienne, kaya safe na safe pa rin naman siya.

Baka hindi lang nabasa ni dating sexy comedienne ang paalala sa lahat na kahit olen bar ang nasabing event at maraming alcohols ay dapat pa ring mag-behave dahil mara­ming mga CCTV at cameras na rin.

Siguro naman ay in-enjoy lang ng todo ni dating sexy comedienne ang event na ‘yon at wala naman siyang personal na problema para magpakalasing, ‘noh?!

Robin biglaan ang pagsulpot

May nakapagbulong sa akin na last minute raw ang decision ni Robin Padilla na um-attend sa ABS-CBN Ball.

Muntik daw na hindi pumunta roon ang action star.

Dahil kaya sa kabisihan niya sa Marawi movie project?

Well...

Pia at Marlon pinaiikot ang fans sa relasyon

Sa pag-attend nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ay lumalabas na magkarelasyon pa rin sila.

Nagkahiwalay at nagkabalikan ba sila?

Well, sila lang ang makakasagot sa tanong na ‘yan, huh!

Catriona, Miss U na ang aura

Marami ang gandang-ganda kay Binibining Pilipinas-Universe 2018 Catriona Gray.

Parang Miss Universe na nga raw ang dating ni Catriona.

Marami nga ang nananalangin na sana ay manalo siya sa nalalapit na Miss Universe 2018 beauty pageant sa Thailand.

Super talaga ang ganda ni Catriona.

Parang handang-handa na talaga siya na mag-compete sa Miss Universe 2018 beauty pageant. Eleganteng-elegante siya sa ABS-CBN Ball!

Goma at Coco may nilulutong proyekto

Marami ang nakakita sa pag-uusap nina Richard Gomez  at Coco Martin.

Nagpakuha pa ng picture ang dalawa.

May project kaya silang pinag-uusapan?

Well...

Maja pinaubaya sa glam team ang hitsura

In fairness, kahit dateless, ang ganda-ganda rin ng dating ni Maja Salvador sa nasabing event.

Eleganteng-elegante rin si Maja.

Sabi ni Maja, hinayaan na niya sa glam team niya ang pagde-decide tungkol sa isi­nuot niya sa event na ‘yon dahil galing nga siya sa kanyang concert tour sa Amerika.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with